“O, ANO'NG nakakatawa? Hindi ka naniniwalang virgin ako?” Lalong lumakas ang pagtawa ni Carlo at unti-unti na siyang nakadarama ng inis. Baka kaya nagtatawa ito ay dahil hindi kapani-paniwala ang sinabi niya. Ganoon ba siya kababa sa paningin nito para magtawa ito nang ganoon? “Virgin talaga ako, Carlo! Promise!” Hinampas niya ito ng unan sa braso pero tawa pa rin ito nang tawa. “Ano ba? Nakakainis ka na ha!” Hindi na niya nagawang mag-isip. Basta bigla na lang niyang kinuha ang isang kamay nito at ipinatong sa kaliwang dibdib niya. “O, i-check mo! Virgin talaga ‘ko, kainis ka!” Noon natigilan sa katatawa si Carlo. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at sa kinaroroonan ng isang kamay nito. Nang magsimula itong magsalita ay nagkandautal-utal pa ito. “Ah…ano…T-Tasha…”

