PROLOGUE
“Why are you always here... Sir?”
Ngumisi ang binatang propesor sa magandang binata na nasa harapan niya. Kahit pa may suot itong eyeglasses ay hindi pa rin maitatago ang katotohanang inakit siya ng malagkit nitong tingin at maalindog na galaw.
“Why I'm always here? I don't know. May problema ba? Or maybe I'm here because I'm a professor. Or...actually, there's a book that I've been curious to read,” the young professor was pertaining to him.
Naramdaman ng magandang binata ang pagtaas ng kaniyang balahibo sa leeg. Umiwas siya ng tingin sa binatang propesor bago magsalita, “siguro’y napaka-interesting ng title, Sir, that's why you're curious about it”
“It is, wanna know it? Ikaw na lang din ang maghahanap, baka sakaling mahanap mo ang sarili mo,” saad ng binatang propesor ngunit sa pang-huling mga salita niya ay hindi na narinig ng magandang binata.
Hindi gusto ng magandang binata ang paraan ng pag-ngisi ng binatang propesor sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan at pinagsisisihan niyang sumagot siya ng “can I?” rito.
“The Black Swan.”
Ang sagot ng binatang propesor ang nagpaamang sa magandang binata. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang librong binabasa at napansin iyon ng binatang propesor. Mabilis niyang ibinaba ang libro.
“The title sounds so interesting, right? What can you say, Mr. Maghirang? For me, that book captivated me and left me in awe,” lumapit ang binatang propesor sa puwesto ng magandang binata. Isinandal ang katawan sa lamesa at ibinulsa ang mga kamay habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya, “are you familiar with that book?”