SKY I never thought that someone would save me. Akala ko, katapusan ko na noong oras na iyon dahil babaon iyon sa katawan ko sigurado. Pero may isang nilalang na yumakap sa akin at sinangga ang dapat sa akin tumama. May isang taong kayang isakripisyo ang kaniyang sarili pa sa akin kahit sandali lang kami nagkakilala. Sa kaniyang tunog na nasaktan, alam ko ang boses na iyon… ang Mistress. Pero bago pa makabalik sa ulirat ang pangahas na babae. Kumawala ako sa yakap at umikot paharap sa kaniya at sinaksak siya sa dibdib. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa patalim na nakabaon sa dibdib niya. Hinugot ko na ang dagger ko at hinayaan siyang matumba sa sahig. Pinunasan ko ang dagger ko sa damit niya bago ko ito binalik sa lagayan nito. Natapos na rin pala ng iba ang natitira pang kala

