SKY Nang makabalik kami, naabutan naming naglilinis ang ibang demon. Ang daming bakas ng dugo sa lupa. Amoy rin ito na nakakasuka talaga ang amoy. Tapos mayroon din akong nakitang sugatan. Ano ang nangyari rito? Napalibot ako ng tingin sa paligid, pansin ko na parang may nangyaring hindi maganda dito kanina. Nakita ko si Tita Leona na nag-uutos sa mga naglilinis. Napatakbo ako palapit sa kaniya para magtanong. Siya lang mag-isa ang nandito ngayon, hindi ko makita o maramdaman ang presensiya ng iba. “Tita, ano po ang nangyari?” nag-aalala kong tanong. Ngayon ko lang din nakita na marami pala sila rito at malaki itong bahay at may bahay pa sa likod. Para tuloy pack house ito. Pero mansion ang bahay na malaki. “Inataki tayo. Hinabol na nina Divina at Tamara ang mapangahas na sumalakay

