SKY Maaga ako nagising dahil maaga rin akong pinuntahan ni Tita Clara. Sasamahan niya raw ako para makapaglinis ako ng sarili ko. Wala kasing tubig dito sa bahay at sa isang ilog sila naliligo. Hindi puwedeng wala raw ako kasama kasi mapapahamak ako. Soul man akong ligaw pero puwede nila ako mapatay kaya kailangan kong mag-ingat. Ramdam kong magaling na sa labas ang sugat ko pero mayroon pa ring hapdi at kirot sa loob. Masakit kung gumalaw ako pero kaya ko naman kaya sumama na ako. Gusto ko rin makita ang lugar na ito. Hindi pa rin nila sinasabi kung saan ako pero may hinala na ako. Nabasa ko ito sa isang libro sa bahay. Soul lang ang nandito pero nagbago na ang lahat. Sa lahat ng nabasa ko, hindi ko pa nabasa ang katulad ko ang kalagayan kung paano nakalabas. Wala pang katulad ko ang n

