SKY Kadiliman.. ‘Yan ang nakikita ko ngayon. Nasaan na ba ako? Bakit nakakatakot dito? Bakit ako nag-iisa? Bakit ang sakit ng katawan ko? Nasaan sila? Bakit wala akong maramdaman maliban sa sakit? Bakit ganito? Puro mga katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. Mga katanungang walang sagot o walang may sasagot. Na kahit sarili ko ay hindi alam ang kasagutan. Hindi ito maaari. Kailangan ako ng mga anak ko. Ang mga anak ko… Ang mga anak ko. Kailangan nila ako. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Kailangan nila ang ina nila. Hindi ako puwede rito. Kailangan ko makahanap ng daan palabas o paalis dito. Sa lugar na ito na hindi ko alam. Pero ramdam ko na puno ito ng kadiliman, ng kasamaan. Kailangan kong makaalis dito, kailangan kong mabuhay para sa anak ko. Mabuhay? Ano na ba ako

