SKY Agad akong lumabas para makauwi sa bahay, ngunit hindi ako puwedeng umuwi ng ganito. I need to change clothes at magdala ng kung ano para may pangdahilan ako. Dumaan muna ako sa sapa at naghugas. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit na simple lang na iisipin lang nila ay naglibot lang ako. Mommy will find out kung lumabas at pumasok ako ng Realm namin kaya hindi ko na inisip na lumabas at umuwi sa bahay ko. Para hindi rin magduda si Mommy, ang tanging paraan ay may dalhin ako pauwi para may dahilan ako. Until I remembered my Mommy’s sister. May cabin siya sa malapit, puwede kong idahilan na kumuha ako ng herbal or kahit anong panghalo sa potion na gagawin ko. Napangiti ako sa ideyang aking naisip. I am hitting two birds with one stone, may panghalo na ako na ako sa potion, may

