SKY “Okay ka na ba talaga, Babe? Wala ng masakit sa iyo?” may pag-aalala na tanong ni Maxz Ilang araw pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng kanilang kaarawan, at ngayon lang din guminhawa ang pakiramdam ko. Si Maxz ang nag-uwi at nag-alaga rin sa akin noong may sakit ako. Kaya ngayon lang ako pumasok ulit. “Okay na nga ako. Ang kulit mo, Babe. Bunso talaga,” nakangisi kong sabi na kinabusangot niya. May sasabihin pa sana ako pero nakita ko si Laxy na papasok dito sa field. Tumayo kaagad ako at hinila ang wheelchair ni Maxz para magtago. Nakatago naman presensya ko kaya hindi niya ako mapapansin at alam kong tinago na rin ni Maxz ang sa kaniya. “Ano ang ginagawa niya rito? Nagtatago na nga tayo every lunch at breaktime. Hindi na rin ako pumapasok sa mga classes na magkatulad kam

