SKY Isang linggo rin akong hindi pumasok at ginawa ko lang lahat ng school work ko. Hindi naman ako nabuburyo kasi pagkatapos ng klase ay nandito na agad si Maxz sa bahay para samahan ako. Kapag kami lang o kasama ang pamilya niya ay madadal din siya, kaya masasayahan ka na lang. Katulad na lang ngayon. “Alam mo ba, wala na si Bea sa school.” Hindi iyon tanong kundi nagsasabi siya. Sa kadaldalan, nagsalita kahit ngumunguya ng cookies na gawa ko kanina. Ginawa ko talaga ito para sa kaniya kasi favorite niya raw. “Bakit naman daw? ‘Di ba, mayaman iyon? Kaya niyang takpan ang kasalanan niya.” Sabayan ko na lang. Isa pa, curious din ako kung ano ang dahilan at umalis ito kung totoo man. “Sabi nila, na bankrupt daw negosyo nila, e. Tapos, sa pagkakaalam ko ay tinakot pa siya ni Laxy.” Ku

