CHAPTER 15 Dayrit’s POV Pagkatapos ng tensyonadong tagpo sa opisina kasama si Heaven, nagdesisyon akong maglaan ng oras para magmuni-muni. Habang tahimik akong nakaupo sa waiting area malapit sa kwarto ng lolo ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng aking slacks, at nakita ko ang pangalan sa caller ID. Tumawag ang aking mga magulang. “Hello, Mom,” sagot ko habang pinipilit maging kalmado ang boses ko. “Oh, anak! Kamusta na kayo diyan? Narinig namin ang tungkol sa lolo mo. Kumusta na ang lagay niya?” tanong ni Mama, may halong pag-aalala sa kanyang boses. “Stable na si Lolo,” sagot ko, sinusubukang maging positibo kahit pa medyo magulo pa rin ang isip ko. “Pero medyo critical pa rin ang kondisyon niya. Malaki ang pasasalamat ko kay Heaven dahil sa mabilis n

