CHAPTER 14 HEAVEN'S POV Habang nakatayo ako sa labas ng recovery room, tinitingnan ko ang matandang si Señorito Alex na nagpapahinga. Malakas ang kaba sa dibdib ko, hindi dahil natatakot akong magkamali, kundi dahil hindi ko kayang tanggapin ang ideya na may iba pa akong dapat pang harapin. Tapos na ang operasyon, tapos na ang lahat ng nagdulot ng sakit sa aking mga kamay at puso. Pero bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam ko? Hindi ko alam kung bakit, pero nang makita ko si Dayrit kanina—ang galit sa kanyang mata, ang mga salita niyang puno ng sakit—parang bumangon lahat ng mga nakatagong emosyon ko. Ang mga hindi ko nasabi, ang mga hindi ko kayang iparating. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Dayrit. Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko. "Tulungan mo ko, Lolo." It

