CHAPTER 12 Dayrit’s POV Pagkatapos ng naging sagutan namin ni Heaven sa opisina, narito ako ngayon sa recovery room ng lolo ko. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng monitor na sumusukat sa t***k ng puso ni Lolo ang naririnig ko. Kahit na sinabi ng mga doktor na ligtas na siya, hindi maalis ang bigat sa dibdib ko. Ang lolo ko—ang pinakamahalagang tao sa buhay ko—ay halos mawalan ng buhay dahil sa insidenteng iyon. Paano kung nagkamali si Heaven? Paano kung namatay si Lolo sa ginawa niyang improvised operation? Ang hirap alisin ng mga tanong na iyon sa isipan ko. Mula sa kama, bahagyang gumalaw si Lolo. Pinakiramdaman ko siya habang dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. “Dayrit...” tawag niya, mahina ngunit malinaw. Agad akong tumayo at lumapit sa tabi niya. “Lolo, andito la

