Alex Masasabi ni Alex na kahit paano ay nakakapag-move on na siya kasi hindi na niya masyadong naalala si Brandon. Malaking bagay ang mga kaibigan niya na walang sawang nangungulit sa kanya na pumunta sa kung saan-saan para mamasyal at maglibang. May mga araw din na kasama niya si Vince. Nagtapat sa kanya ang binata pero sinabi niyang hindi pa siya handa. Ineexpect niya na titigil na ito pero sinabi nito na willing ito na mag-antay na maging handa siya. Aaminin niya natuwa siya sa sinabi nito pero may part naman na naiinis siya sa sarili. Naiinis siya dahil may part ng sarili niya na pumipigil na papasukin ang binata sa puso niya. Sa ilang beses nilang paglabas ay nakita niyang mabuting tao ito at nag-eenjoy siyang kasama ito. Minsan nga lang hindi niya maiwasang ikumpara ito kay Brandon.

