Brandon's POV Katatapos lang nila mag-usap ng Papa niya tungkol sa negosyo nila na hinahawakan na niya. Kasalukuyang nagbabakasyon ang mga ito at kinakamusta lang ang lagay ng kumpanya. Isang construction firm ang negosyo nila na may branch din sa Pilipinas at Malaysia. Ilang linggo pa lang siya sa posisyon niya bilang CEO at unti-unti pa lang niya nagagamay ang operasyon. After niyang mag-resign nagdesisyon ang Papa niya na panahon na para siya na ang mamahala ng negosyo nila. Ilang beses na niya itong tinanggihan noon dahil gusto niyang magkaroon ng sarili niyang negosyo na pinaghirapan niya pero this time nakiusap ito sa kanya. Wala naman siyang ibang choice dahil wala namang interest si Bethaney. Malaki ang sinakripisyo ng Papa niya para sa kumpanya to the point na naapektuhan na nit

