Brandon Sobrang naging stressful ang mga lumipas na araw kaya naman hindi siya makagusap ng maayos at laging mataas ang boses niya. Alam niyang hindi siya nagiging fair sa mga kasama niya pero hindi niya mapigilan. May isa kasi silang client na masyadong demanding dahil gusto na detalyado lahat. Ultimo 'yong mga bagay na hindi naman kailangan ilagay sa isang commercial ay pilit na pinapasok. Nagbigay na siya ng iba't ibang suggestion para hindi magmumukha itong katawa-tawa pero ayaw nito. Kailangan niyang makuha ang account na 'yon. Kailangan niyang suyuin at makumbinsi ang client pero nauubusan na siya ng pasensya. Alam niyang hindi naging maganda ang naging meeting kanina dahil sa init ng ulo niya na samahan pa ng pagod, stress at puyat. Halos lahat ng kasama niya sa trabaho ay napagb

