Alex "Iba nga naman talaga ang nagagawa ng bakasyon, nakaka-fresh, nakaka-blooming at higit sa lahat ay nakakabuhay," biro ni Jeremy pagdating niya sa table at hindi niya napigilan ang mapangiti. "Sama-sama naman tayong nagbakasyon pero bakit hindi ganyan ang effect sa akin?" natatawang sabi ni Mitch at nakangiting napapailing na lang siya. "Bakit may kasama ka bang jowa?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Jeremy. "Ang aga-aga ang iingay ninyo," saway niya at nagkatinginan ang dalawa saka tumawa. "Alex, sama ka mamaya? Birthday ni Tricia may konting celebration sa bahay nila," sabi ni Mitch at napabuntong-hininga siya. Bigla niya naalala na kailangan niyang tawagan mamaya si Vince para makipagkita. Kaninang umaga ay inisip na niya kung paano sasabihin sa binata ang lahat. Al

