Alex Kadarating lang niya kaninang hapon galing sa bakasyon nila ng mga kaibigan niya. Mula sa airport ay hindi pumayag si Brandon na hindi siya nito ihahatid sa bahay nila. Sina Mitch at Jeremy naman ay sinundo ni Ryan. Hindi na sila nagkita ni Ryan kaya hindi nito nakita na may iba siyang kasama. Nangako rin si Jeremy na wala itong babanggitin kay Ryan dahil gusto nito na siya mismo ang magsabi kay Vince. Sobrang nag-enjoy at nasulit nila ang huling araw nila sa Boracay. Mabait at very accommodating ang kaibigan ni Brandon na si Marwin ang may-ari ng isla na pinuntahan nila. Hindi pa masyadong open sa public ang place, sobrang ganda at na preserved talaga ang natural na kagandahan ng isla. Doon na sila nagpalipas ng gabi at kaninang umaga lang sila nag-check out sa hotel na tinutuluyan

