Alex "Hey gorgeous!" bati sa kanya ng lalaki na nakatayo sa may tagiliran niya. Kinailangan pa niyang tumingala para lang makita ang mukha nito. Tumingin muna siya sa paligid para siguraduhin na siya ang kinakausap nito. Matangkad ito, moreno, maganda ang katawan at higit sa lahat ay gwapo. Inisip niya muna kung kilala ba niya ito. May mga nakilala kasi sila sa mga bar at lugar na pinupuntahan nila pero hindi na niya matandaan kasi hindi naman niya masyado binibigyan ng pansin. "Hello." Matipid niyang sagot sabay inom sa alak na hawak niya. "Would you mind if i join you?" tanong nito pagkaupo sa bangko na katabi niya. Bigla niyang naalala ang gabi kung saan ay nakilala niya si Brandon. Mag-isa rin siya na umiinom nang lapitan siya nito noon. Bigla rin ito umupo sa tabi niya bago p

