Naramdaman ni Alex na may lumapat sa labi niya pero hindi na niya minulat ang mga mata dahil sa sobrang kalasingan. Pakiramdam niya umiikot ang buong paligid niya kahit nakapikit siya. Pakiramdam din niya ay namamanhid ang katawan niya kaya hindi niya maigalaw. Naisip niya na binigyan siguro niya ng impression si Joseph na gusto niya ito kaya humantong sila sa ganoon na situation. Ramdam niya ang malambot na higaan kaya kahit paano ay may idea na siya kung ano ang nangyari pagkatapos mag-blurred ang paningin niya kanina. Alam niyang mali ito pero hindi niya ma-explain kung bakit ayaw niya itong pigilan at hinayaan lang ito. "Ito na naman po ako na lasing at ngayon ay siguradong may mangyayari na pagsisihan ko bukas. Okay na rin siguro ito pero this time sisiguraduhin ko na one-night lang

