Alex Nagising si Alex na masakit ang ulo at buong katawan. Napapangiwit siya dahil pakiramdam niya ay may martilyong pumupokpok sa ulo niya. Dahan-dahan siyang bumangon at pagmulat ng mata agad niyang tiningnan ang paligid. Natapik niya ang ulo ng pamansin hindi 'yon ang kwarto nila kaya ibig sabihin ay hindi panaginip ang mga nangyari kagabi. Wala siyang makitang senyales na nandoon pa ang binata na kasama niya kagabi. “Nagalit siguro ang mokong dahil sa sinabi ko kagabi, ang gaga mo naman kasi Alex pwede namang umungol na lang bakit kailangan pang bumanggit ng pangalan. Hay naku! Ang gaga mo talaga syempre nasaktan 'yong tao kasi hindi pangalan niya ang sinabi mo,” sermon niya sa sarili habang hawak ang unan. "Ano nga ba ulit ang pangalan niya?" tanong niya. Pinilit niyang alalahan

