Brandon Hindi maiwasan ni Brandon ang mapatingin sa dalaga habang nakaupo ito sa tabi niya. Ibang iba ito ngayon kumpara sa nakikita niya araw-araw sa opisina mula sa itsura, pananamit at sa awra nito. Ang Alex na masayahin ang kasama niya ngayon ay katulad nang babaeng nakilala niya sa Boracay. Nang sabihin ni Bethaney kanina after nilang kumain na lilipat sila sa bar ay nakita niya sa mata ng dalaga ang pagtutol pero di naman ito nagsalita. Naisip niya na pagkakataon na niya para makausap ang dalaga. Nang nilahad niya ang kamay niya para alalayan ito kanina ay hindi niya mapaliwanag pero may naramdaman siya na kakaiba. Habang naglalakad ito at ang kapatid niya ay hindi maiwasan tingnan niya ito mula sa likuran. Napalunok siya sa nakikita at bigla niyang naalala na nagkaroon na siya ng

