Chapter 4 - Big Deal?

1717 Words
Alex Katatapos lang nang meeting nila at nauna ng lumabas ang mga kasama niya. Inayos muna niya ang mga gamit niya bago siya tumayo. Palabas na siya ng office nang marininig niya na nagsalita ang boss nila. "Ms. Mariano, kindly get me the previous outline that Mr. Sanchez present to Mr. Hernandez before he left," utos nito. "Okay, Sir." Sagot niya na pinipilit pakalmahin ang sarili dahil iba ang epekto ng boses nito sa kanya. Kailangan ay sanayin na niya ang sarili sa presensya ni Brandon dahil Boss niya ito. Hindi naman niya ito pwedeng iwasan at nangako siya sa sarili na magiging professional. Ayaw niya na ipakita rito na apektado siya sa presensya nito. "Mahabaging Diyos, sana po ay kunin na ako ng lupa ngayon na po para hindi na ako makabalik sa opisinang 'yon." Panalangin niya habang naglalakad para kunin ang pinakukuha ng bago niyang Boss. Kumatok muna siya sa opisina ni Mr. Hernandez at nang marinig ang signal nito ay saka siya pumasok. Pagkabigay sa kanya ng mga folder ay nagmamadali siyang bumalik sa opisina ng Boss niya. As much as possible ay nililimitahan lang niya ang pakikipag-usap dito. "Relax ka lang Alex. Hinga ka lang ng malalim, huwag kang papa-apekto sa kanya," paulit-ulit na sabi niya sa sarili ng malapit na siya sa pinto ng Boss nila. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa office ng Boss nila at nanalangin na sana ay maging okay ang lahat. Sinenyasan siya nitong umupo pagkatapos iabot dito ang dala niya na kailangan nito. Napalunok siya nang saglit na magdikit ang kanilang kamay na agad niyang binawa. Agad din siyang umiwas ng tingin. Kahit saglit lang na nagdikit ang balat nila ay hindi niya maipaliwanag na para siyang nakuryente pero hindi na niya binigyan 'yon ng pansin. Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang Boss niya, binabasa ang reaksyon niya dahil sa nangyari. Tumikhim siya para mawala ang bumabara sa lalamunan niya saka umapo, nilabas ang dala niyang notepad at naghintay na magsalita ito. "Last year the concept of the competition was being BOLD," sabi nito na binigyang diin ang huling salita. All of a sudden ay bigla siyang nangilabot nang marinig ang salitang 'yon. Hindi niya alam kung paranoid lang ba talaga siya o may iba itong pinapahiwatig. Nagkunwari na lang siya na abala sa pagsusulat. "This year concept is all about environment and nature like BEACH —" napatigil ito sa pagsasalita dahil nakita nitong nasamid siya. "Kailangan talagang ito ang maging topic? Bakit parang lahat ng bagay o salita ay may pinapahiwatig ito? Ako lang ba ang nag-iisip ng ganito?" tanong niya sa sarili habang nagsusulat sa notepad. "For me the best picture that describes nature especially when it comes to beach is Boracay. What you do you think Ms. Mariano?" nakangiting sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay tuluyan na siyang napatingin dito at hindi nga siya nagkakamali dahil nakangiti ito. Hindi niya maintindihan pero naiinis siyang makitang nakangiti ito. Obviously, sinasadya nito bigyan ng ibang kahulugan ang mga sinasabi nito. Hinihintay siguro nito ang magiging reaksyon niya. Agad niyang binalik ang tingin sa notepad saka mariing pinikit ang mga mata. "Anak naman ng tinapa talaga, bakit ba ganito ang nangyayari. May nagawa ba akong masama para mangyari sa akin ito. Ilang beses na akong himingi ng patawad sa ginawa God." bulong niya sa sarili. "Are you saying something Ms. Mariano?" tanong nito at sa tingin niya ay aliw na aliw itong nakatingin sa kanya. "Yes Sir, I think it's a good idea. Hindi naman sila mapipili as one of the most beautiful beach in the world kung hindi sila maganda. But aside sa pinagmamalaki nilang beach we also need to highlight other side of Boracay," sa wakas ay banggit niya ng walang bahid ng tensyon. "Oh really, have you been there Ms. Mariano?" pagpapatuloy nito pero ngayon mataman itong nakatingin sa kanya na hinihintay ang sagot niya. "A few times Sir," sagot niya habang nakatingin din dito. May something siyang nakita sa mga mata nito na hindi niya matukoy. Obvious na galit ito dahil nakita niya ang frustration sa mukha nito. Ayaw niyang alamin kung bakit dahil sa palagay niya ay hindi na 'yon mahalaga. "So it's settled then, we choose Boracay as the subject for the Ad Campaign. I will confirm it to the coordinator of the event," mabilis na sabi niya rito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. Hindi niya hahayaan na maging kahiya-hiya siya sa harap nito kahit pa nga abot langit ang kaba niya sa dibdib. Matagal na siya sa company at ngayon ay mas lalo niyang patutunayan sa sarili niya na hindi siya dapat magpabaya. "Yes and when your up to it, inform others that we will start tomorrow. We need to finalize the outline of our Campaign as soon as possible," sabi nito habang nakatingin sa bintana at tinapos na niya ang pag-take notes. "Sir, can I go now?" basag niya sa nakakabinging katahimikan na hindi na niya kaya pang tagalan. "Yes and one more thing make me a report about what happen that night and as well as the morning," seryosong sagot nito na may bahid ng galit at bumaling ito sa kanya. Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan nang marinig ang mga salitang 'yon. Binuksan sara niya ang kanyang bibig para magsalita ngunit walang lumabas na salita. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Hindi niya inaasahan na babanggitin nito ang bagay na 'yon. "Bakit kailangan na ipaalala pa nito ang nangyari sa kanila? Anong gusto nitong mangyari? Seryoso ba ito na kailangan kong magpaliwanag sa kanya? Bakit parang galit siya?" mga tanong sa isip niya habang nakatingin sa binata. "You can go now and I want that report ASAP." Binigyan nito ng diin ang huling salita saka parang walang anuman na nagbukas ito ng folder at abalang nagbabasa. Tumayo na siya pero pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya. Huminga siya ng malalim bago buksan ang pinto palabas. Pagdating sa labas ay nakita niya ang mga kaibigan niya na nag-aantay sa kanya para mag-lunch. Ngumiti siya sa mga ito para hindi makita na bothered siya. "Guys big deal ba sa one night stand kung babae ang unang umalis?" tanong niya habang nakatingin sa baso niya. Huli na para bawiin ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Natigil sa masayang kwentuhan ang dalawa. Ramdam niyang nakatingin si Mitch at Jeremy sa kanya na para bang any moment ay pwede na siyang bumulagta sa sahig. "Just great Alexei. How will you explain that now?" usig niya sa sarili. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nabanggit niya ang tungkol doon. Sa sobrang pag-iisip hindi na niya namalayan na lumabas na pala sa bibig niya ang bagay na gumugulo sa kanya. Nakita niyang kumunot ang mga noo ng dalawa. Matamang nakatingin sa kanya at naghihintay sa paliwanag niya. Hindi muna siya nagsalita at hinintay ang reaksyon ng mga ito. "Well sa palagay ko may mga lalaki pa rin na super big deal sa kanila ang ganyang bagay kasi where talking about there male ego, pride and everything. In that matter there is still discrimination between men and women. Talking about equality, right? May mga guy kasi na they think it's there role na dapat mag-dominate ng situation especially 'yong mga guy na nasanay sa ganoong set-up," sagot ni Jeremy. "Big deal sa kanila' yon kasi kailangan sila ang maunang umalis. Same as sila ang dapat maunang mag-initiate, maunang manloko at marami pang iba na sa tingin nila ay sila dapat ang mauna. Hindi ko rin maintindihan kung tutuusin may gender equality na pero still may mga bagay na hindi pa rin nababago," sabi naman ni Mitch. "San naman po nanggaling ang tanong na 'yan Ms. Alexei Mariano? Don't tell me nakipag one-night stand ka na without telling us," hysterical na tanong ni Mitch habang nanlilisik naman ang mga mata ni Jeremy. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng dalawa, lalo na siguro kung malaman ng mga ito ang nangyari baka mas malala pa ang maging reaksyon. Wala pa siyang ibang napapagsabihan ng nangyari sa Boracay bukod sa bestfriend niya. Wala siyang balak na ipaalam sa dalawa. Hindi naman sa takot siyang mahusgahan pero dahil kahit sarili niya ay hindi niya magawang patawarin sa nangyari. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap ay binigay niya ang bagay na dapat sa taong mahal niya at makakasama habang buhay. Kahit ilang beses niya isipin hindi niya maipaliwanag kung bakit hinayaan niyang mangyari 'yon. "Hindi no. Ano bang pinagsasabi mo? Narinig ko lang sa radio kagabi na curious lang ako kaya natanong ko," pagpapalusot niya. "Hindi naman sa against kami, more on pa nga na support ka pa namin if ever nangyari 'yon," natatawang biro ni Jeremy at mariing napailing siya. "As if naman na mangyayari 'yon eh hindi ka na nga umiinom ngayon. Well pwede naman pala na mangyari 'yon kahit hindi ka lasing," sabi ni Mitch, napaisip sa sinabi nito at natawa. "Linaw or Lasing basta betchay ko go lang ang lola mo. Ako pa ba ang tatanggi sa isang masarap na putahe," biro ni Jeremy at nagtawanan silang tatlo. "For me case to case basis siguro kasi like me if we end up in his place well ako ang aalis pero out of courtesy nagpapaalam naman ako. If the guy asked me to stay eh di bongga. Depende pa rin talaga sa situation at sa tao," sabi ni Mitch at nakagat niya ang dulo ng kutsara. Sa case naman niya hindi siya nagpaalam or nagpakita pa dito dahil sa kahihiyan. Sobrang nahihiya siya sa nangyari at huli na ang magsisi siya dahil ginusto naman niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na napilitan lang siya or pinilit siya nito. As a matter of fact ay nagustuhan niya dahil parang natural lang ang mga nangyari sa pagitan nila. "Now I know kung bakit parang galit siya kanina. Should I explain to him or just ignore it? Lilipas din naman siguro ang galit niya. As if naman na first time rin niya which I doubt it. I don't want to judge him pero mukha namang normal lang sa lalaking 'yon ang makipag-one-night. At saka his matured enough not to make this thing a big deal." Sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD