Chapter 3 - Uncomfortable

1811 Words
Brandon Hindi niya inaasahan na marami pala ang pending at upcoming projects ang naiwan ni Mr. Sanchez. Nakausap niya si Mr. Sanchez two days before siya mag-take over sa position nito pero hindi niya inaakala na ganito ang maabutan niya. Sa palagay niya ay magiging busy siya sa mga darating na linggo para kausapin ang iba't ibang client nila. Ngayon ay kailangan na niyang pumili ng mga staff na bubuo sa team na gagawa ng presentation para sa Ad Campaign Conference na gaganapin sa Cebu. He need to act fast because he only have two months to finish the presentation. "Jeffrey, kindly give me the list and information of all the person lined up for the Cebu Conference and I need it ASAP," sabi niya sa kausap nasa kabilang linya. "Okay Brandon the documents you need will be on your table at two o'clock." Sagot ng kausap niya. "Okay then. Thank you." Tugon niya at binaba na ang phone. Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay saglit siyang sumandal at huminga ng malalim habang nakatingin sa kisame. Mula sa loob ng opisina ay nakikita niya ang mga tao sa labas. Napansin niya na mahilig pala uminom ng kape si Alex. Kapag kasi nakita niyang tumayo ito napapakunot noo siya kasi kape ang hawak nito pagbalik sa table nito. Na curious tuloy siya kung mahilig ba talaga ito uminom ng kape o dahil sa presensya niya. Sinara na muna niya ang blinds para makapag concentrate siya sa mga nakatambak na trabaho. "Sir Mr. Hernandez sent this," bungad ni Alex pagkapasok nito sa office niya saka inabot ang folder sa kanya. "Thank you." Tugon niya at lumabas na ito ng opisina niya na hindi man lang tumingin sa kanya. As expected hawak na niya ang mga papeles na kailangan niya, iniisa-isa niya ang laman ng folder at pinag-aralan ang mga information na nakalagay doon. Nang makontento sa mga napili ay tinawagan niya si Jeffrey para ipaalam dito at inimbita ito na mag-dinner para mapag-usapan nila ang mga gagawin. Pagkatapos nilang umorder ay inabot niya ang listahan kay Jeffrey. Ka-batchmate niya ito noong college at naging close na kaibigan din kahit pa nga na very opposite sila. This guy don't know how to have fun and always serious about everything. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa Company. Katatapos lang ng contract niya sa isang Advertising Agency sa Singapore ng tawagan siya nito. Tinanggap agad niya ang offer nito dahil gusto niyang maiba naman ng lugar. "Jeffrey, I want Ms. Alexei Mariano to be my personal assistant. I need her specially in this project." pinilit niyang maging formal. "You don't need to ask Brandon, she's Mr. Sanchez assistant for almost 3 years so her position will remain. She knows all the project and pending project Mr. Sanchez left. I heard so many good feedback about her," sagot nito at tumango-tango siya. "Okay, then so there will be no problem with that. Can I set a meeting tomorrow with them so we can start already," sabi niya bago kumain. "Yes you can. We only have two months to prepare for the presentation. Last time we didn't get in the cut and I hope this time we can," sabi nito at napangiti siya. "Pressured," naiiling na sabi niya at tumawa ito. "How's Bethany?" tanong nito na hindi man lang tumingin sa kanya. Bethany is her step-sister and she's the most stubborn person he know but aside from than he love that crazy woman. He will do anything for her and support her in everything. "The last time we talked she will be here this coming christmas to celebrate with me or maybe arrive much earlier I think. You know that girl she's so unpredictable. She's always busy with a lot of things." sagot niya rito at tumango lang ito. Alam niya na matagal ng may tinatagong pagtingin ang kaibigan niya kay Bethaney. Back then sinubukan niya na ilakad si Jeffrey sa kapatid niya pero sinabi agad nito na walang pag-asa ang kaibigan niya. Bethaney don't like serious guy or he must say a good guy. Ayaw naman niya na makialam sa love life ng kapatid niya hindi naman sa wala siyang pakialam. Inaalam at kinikilala naman niya ang nagiging karelasyon nito. Ayaw lang niya na diktahan ang kapatid pero pinapayuhan niya ito at kahit paano naman ay nakikinig ito. Alex "Saan na kabinet naman ni Lola nakuha mo 'yang damit na iyan. Hay naku, Alex naturingan kang nagtratrabaho sa isang malaking company pero ganyan ang itsura mo," saad ni Ate Sandra habang paupo sa lamesa. Real Estate agent ang Ate Sandra niya, dalawang taon lang ang tanda nito sa kanya. Mas close siya dito kaysa kay Ate Andria dahil na rin siguro sa agwat ng edad nila. "Bakit wala namang masama sa suot ng kapatid mo," sabat ng Lola niya na magiliw na katingin sa kanya. "Bakit hindi mo sinusuot 'yong mga damit na binigay ko sa'yo?" tanong nito at ngumiti lang siya. Tatlo silang magkakapatid ang Ate niyang si Alexandria, Alessandra at siya na bunso sa magkakapatid. She was seventeen when there parents died due to plane crash. Pauwi na ang mga ito mula sa pag bisita sa kamag-anak nila sa Zamboanga. Natagpuan naman ang mga ito kaso dahil sa malaking damage ng eroplano ay hindi na naka-survive ang mga ito. Mula noon ay si ate Andria na niya ang sumalo ng halos lahat ng responsibilidad sa pamilya nila. Nakapag-asawa lang ito nang makatapos na siya ng kolehiyo. Bumukod na ito kaya silang tatlo na lang ang nakatira sa bahay ng Lola niya. Ang Lola niya ang pinaka-supportive at coolest sa lahat kasi sa edad na sixty-three ay active pa ito sa barangay nila at masigla pa rin. Tiningnan muna niya ang suot, isang vintage printed na loose dress na malapit ng umabot sa tuhod na pinartneran niya ng wedge. Hindi masasabing mataba or payat siya pero tama lang. She was curvy but in right places and she's happy with it. "Ate, wala nman po masama sa suot ko." Nakangiting sabi niya rito. Nagkibit balikat na lang ang kapatid niya at nagpatuloy na silang kumain. Kung titingnan magkabaliktad sila ng kapatid niya sa lahat ng bagay. Easy going ito samantalang home buddy naman siya. At kung itsura nman ang pag-uusapan ay lalo na, morena kasi ito na mana sa papa nila samantalang siya naman ay may kaputian, slim ang pangangatawan nito at siya naman ay malaman. Minsan may mga ayaw maniwala na magkapatid sila dahil hindi sila magkahawig. Mas kahawig niya ang Ate Andria niya pero matangkad ito at slim rin ang pangangatawan. Okay naman ang relation nilang tatlo minsan nga lang nagiging over protective na ang mga ito sa kanya. "Hay salamat, pinakinggan ni God ang panalangin ko," eksaheradong bungad sa kanya ni Jeremy pagkalabas niya ng elevator at sabay yakap na parang may himalang nangyari. "Baliw." Natatawang sabi niya. Siya lang ang sakay ng elevator at wala pang ibang tao sa paligid nila. Kahit hindi nito sabihin alam na niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang reaction ni Jeremy. Ito kasi ang nagregalo sa kanya ng suot niyang wedge at ngayon lang niya 'yon sinuot. Sa ganoong pwesto sila naabutan ng Boss nila na si Brandon umubo pa nga ito para lang malaman nila na nandoon pala ito nakatayo at matamang nakatingin sa kanila. "Good morning, Sir." Sabay nilang banggit pagkatapos nilang maghiwalay sa pagkakayakap. "I hope you know the rules around here." Seryoso nitong sabi na nakatingin sa kanya bago naglakad papalayo. Naguguluhan na nagkatinginan sila ni Jeremy bago naghiwalay. Sa isip niya ay inisa isa ang mga rules pero wala siyang matandaan kung alin doon ang pwede nilang malabag. "Ano kaya 'yon? Di ko nagets." Bulong niya pagdating sa table niya. Inaayos niya ang kanyang dress nang may makitang sticky note sa computer niya. Be in my office ASAP. Mr. Montecillo "What now?" tanong niya. Nilagay muna niya ang bag sa drawer, kinuha niya ang notepad at cellphone saka pumunta sa opisina nito. Pagkapasok niya ay nagulat siya na makitang nandoon si Jeremy, Mitch at iba pa nilang kasamahan. Sumenyas ang Boss niya na umupo siya sa bakanteng upuan at ginawa naman niya. Nilabas na niya ang notepad na dala para mag-take notes. "Now that everyone is here, I would like to inform you that you have been chosen to be a part of the team. I think you already know what project this team will handling," seryoso nitong pahayag habang naglalakad sa likod namin. "Iyon siguro ang laman ng folder na pinaabot ni Mr. Hernandez kahapon." Sabi niya sa sarili. Kung ito ang papalit kay Mr. Sanchez automatic ito na nga ang bago niyang boss depende na lang kung magrequest ito ng iba. At may pakiramdam siya na hindi nito gagawin 'yon. Ilang araw pa lang niya ito kasama sa trabaho pero hindi na niya maintindihan ang sarili. "Natatandaan kaya niya ako? I mean it was just a one night at sa tipo naman nito ay mukhang normal lang' yon para dito. Sana lang ay huwag na ako maapektuhan sa presensya niya." Sabi niya sa sarili. Tuwa at excitement ang reaksyon ng mga taong nakaupo na kasama niya except siguro sa kanya. Gusto sana niyang magpalipat ng ibang team kaso wala siyang maisip na pwedeng dahilan. Ayaw din naman niyang maging issue or big deal kung bakit ayaw niyang makasama sa trabaho ang binata. "I'll be expecting your full cooperation on this, as all of you know this is a very important project for our company. Although we only have little time left but still we can do it. Remember that this will represent us so we have to do our best," sabi nito at bigla siyang nangilabot nang maramdaman ang presensya nito mula sa likuran niya. Pasimpleng umayos siya ng upo at pinakiramdam niya ito pero mukhang wala pa itong balak umalis mula sa likuran niya. Ramdam niya na bumibilis ang t***k ng puso niya at nanunuyo ang lalamunan niya. Bukas naman ang aircon pero ang init ng pakiramdam niya. "You can do this Alex, don't let him affect you. Just relax and this will be over. Be professional." Paulit-ulit na paalala niya sa sarili. Pilit niyang tinutuon ang attention sa notepad pero parang ayaw makisama ng utak at kamay niya. Pinagdarasal na lang niya na sana ay matapos na ang meeting nila. Binigyan nito ng instruction ang staff na kunin ang mga gamit na pwede nilang kailanganin kasi sa loob ng mahigit isang buwan ay sa maliit na conference sila magtratrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD