[Chloe's Pov] Tahimik at seryosong binalingan ako ng tingin ni Samuel. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kaniyang tabi ata tila hindi na ako makatingin pa sa kaniya dahil sa labis na hiya ko. Nadala ako sa makamundong damdamin kanina. Hindi ko aakalain na papayag akong gawin ni Samuel 'yon sa akin. “Sorry kung nagpadalos-dalos ako, Sam...” mahina kong sabi. “Pareho nating ginusto iyon, Chloe... ang ibig ba sabihin nito ay sinasagot mo na ako?” seryoso niyang tanong. Ngunit bigla akong nagulumihanan at matindi ang pagkabog ng aking dibdib. Hindi ako mapalagay. Sasagot na sana ako nang tumunog muli ang cellpone ni Sam at binasa niya ang text. Napabuntong-hininga si Samuel at muli akong tiningnan. “Sam, sorry... kailangan kong makapag-isip.” “O-Okay lang, Chloe. Bibigyan kita ng panaho

