[Chloe's Pov] Malipas ang isang linggo... Matinding trauma ang naranasan ko sa kamay ni Sophia at Don Lucio. Sa kabutihang palad ay tulyan na silanag makukulong at patong-patong din ang mga kaso sa kanila. Ang ibang mga biktima ay napag-alaman kong pinambayad sila ng magulanag nila o kamag-anak nila. Kinokontak ko si Cadence ngunit hindi ko na siya matawagan pa. Wala rin akong balita kina Justin at Rica. May mga trials pang padadaanan sa korte at isa ako sa witness. Kinuha rin nila ang impormasayon ni Cadence ngunit wala na akong ibang alam pa tungkol sa kaniya. Sana ay ligtas si Cadence dahil naalala kong labis sila nag-iingat nina Justin at Rica ngunit natuldukan ang pag-iingat nilang iyon dahil sa akin. “Anak, kumain ka na...” sabi ni Nanay sa akin. Nakaupo ako sa kama ko sa loob

