[Chloe's Pov] Mabagal akong ngumuya at hanggang sa nauna pang matapos kumain si Brix. Kinuha niya ang pamunas at tumayo. Lumapit siya sa kinauupuan niya kanina at umupo. Hindi niya na ako binlingan ng tingin o pinansin pa. Kinuha niya muli ang laptop at busy na ito. Samantalang ako ay tapos nang kumain. Tumunog ang kaniyang cellphone at tinitigan ang screen nito. Sinagot ito ni Brix at nilapag sa mesa ang hawak niyang laptop. Ano kaya negosyo ng lalaking 'to. Mukhang bilyonaryo kasi siya kung umasta. “Hello, Dad...” mahina niyang sabi. Diretso lang ang tingin niya habang nakikipag-usap sa cellphone. Ang ama niya pala ang kaniyang kausap. Napako ang tingin ko sa picture frame ng pamilya ni Brix. A happy family at buo pamilya. Tumayo si Brix at tinungo ang window glass malapit sa kama

