[Chloe's POV] HINDI kumibo si Brix at sa halip ay humigpit ang kaniyang hawak sa kanang kamay ko. Naglakad siya at sumunod ako sa kaniya. Tinungo namin ang dinning room at nadatnan namin sina Yaya Amy at Martha na inaayos ang mga pagkain. Bumitaw na ako kay Brix at inurong niya paatras ang upuan para upuan ko. “Thanks...” mahina kong sabi Pumunta si Brix sa katabi kong upuan at umupo na rin siya. Nakangiti si Yaya Amy na pasulyap-sulyap sa aming dalawa ni Brix. “Magandang umaga ho, Sir Brix,” magiliw na bati ni Yaya Amy. “Magandang umaga rin po, Yaya Amy...” sagot ko. Binalingan ko ng tingin si Brix at ngumuso sa kinatatayuan ni Yaya Amy. Kumunot ang noo ni Brix at bumuntong-hininga. “Good morning, Yaya Amy...” napilitang bati ni Brix sa matanda. “Good!” nakangisi kong sabi. Napaa

