Chapter 41

2680 Words

[Chloe's POV] HUMINTO kami sa isa pang pinto at natitiyak kong ito na ang opisina ni Brix. Ngumiti ako kay Martha at hinawakan ko ang tray sa ilalim. “Dito na ba?” tanong ko. Tumango si Martha bago sumagot, “Opo, Ma'am Chloe... sigurado ka po ba na ikaw na ang magdadala sa loob?” Ngumiti ako nang matamis at kinindatan ko si Martha para ipakita sa kaniya na gusto kong gawin ito. “Oo naman. Bakit, magagalit ba siya?” naninigurado kong tanong. “Baka po... kasi trabaho ko po na ihatid 'yan sa kaniya,” sabi ni Martha. “Don't worry. Ako ang bahala,” sagot ko. Tingnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Kung magalit man siya ay gagawa na ako ng paraan at magsisimula na akong paibigin siya. Lintik lang ang walang ganti, Brix Anderson. Matalim kong tinitigan ang pinto at kumatok na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD