[Chloe's POV] UMAHON ako matapos ang kalahating oras paglangoy sa swimming pool. Pakiramdam ko ay nawala ang stress ko kaya na nakangiti akong umupo sa isang bencch. Kinuha ko ang isang basong orange juice at ininom. Pagkatapos no'n ay nagpahinga muna ako at naidlip sa bench. Hindi ko namalayan na napasarap ang tulog ko at narinig kong tinawag ako ni Brix. “Chloe... hey, woman...” Si Brix ba 'yon? Ang alam ko nasa trabaho siya. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Brix na titig na titig sa akin. “What are you doing here? Sleeping?” nagtataka niyang tanong. Mabilis akong umalis sa bench at tumayo. Bigla tuloy akong nilamig noong umihip ang hangin. “Bakit hindi ninyo ako ginising?” bulong ko sa dalawang katulong. “E, Ma'am Chloe... mukhang mahimbing po kasi

