Chapter 06

2333 Words
[Chloe's Pov] Sa wakas ay lunch break na. May dala akong baon kaya hindi ko na kailangan pang bumili ng pagkain sa pavilion. Samantala si Lea ay bumibili pa ng pagkain. May kaya kasi ang pamilya ni Lea. Nakaupo ako sa upuan habang hinihintay si Lea. Nakapila siya para bumili ng pananghalian. Abala akong binabasa ang notebook ko. Mamaya kasi ay may quiz kami sa next subject. “Chloe.” Umupo sa tabi ko si Samuel. May bitbit na tray at may laman na pagkain iyon. Paminsan-minsan ay um-order si Samuel ng lutong ulam ni Nanay. Pero ngayon ay dito s'ya sa pavillon bumili. “O, bakit nandito ka?” sabi ko. “Bakit, masama?” Nakangisi siya sa akin. “Oo... baka mamaya, ano na naman ang marinig ko sa bruha mong girlfriend,” inis kong sambit. “Hindi ba talaga kayo magkakasundo? Mabait naman si Joana, Chloe. Kapag nakilala mo siya nang mabuti,” depensa niya. Natawa ako nang bahagya sa kan'ya. Tiningnan ko siya at sinuri ko ang kaniyang mga mata. “Alam mo, bulag ka. Nakatatampo ka na. Parati akong pinagsasalitaan ni Joana. Deadma ka lang... patay na patay ka kay Joana.” Isinara ko ang notebook ko at hinanap na ng mga mata ko si Lea. Ang tagal naman niyang bumili para makaalis na 'tong si Samuel. “Grabe ka naman. H'wag ka nang magtampo. Promise, kakausapin ko si Joana.” Itinaas niya ang kanang palad at sabay na nag-cross my heart. Mayamaya ay dumating si Joana at tinapik si Samuel sa balikat nito. Napaangat ang mukha ni Samuel na tumitig sa kasintahan n'ya. Habang ako ay nakatitig laman ng notebook ko. “J-Joana, ba't ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay,” nauutal na tanong ni Samuel. Napairap ako kay Samuel dahil sa inis. Patay na patay kay Joana, ni hindi man lang ako ipagtanggol kay Joana. Masama pa ay parang under s'ya ng girlfriend niya. Maganda si Joana, isa s'ya sa mga babaeng kinagigiliwan sa campus. “Sorry, babe... may tinapos lang kasi ako,” malambing na tugon ni Joana at sabay titig sa akin nang matalim. “Magkasama na naman kayo ni Chloe?” She crossed her arms. Bakas sa mukha ni Joana na naiinis na ito sa akin. Alam niya kasing magkaibigan kami ni Samuel simula bata pa lang kami. Napansin n'ya rin na sobrang close kaming dalawa ni Samuel. “Excuse me, nandito ako para mag-lunch.” Kinuha ko ang baunan sa aking bag para mapaniwala ko si Joana. Ang kulit kasi ng babaeng ito at ayaw maniwalang hanggang magkaibigan lang kami ni Samuel. Akala niya ata ay mahilig ako sa pakikipag-boyfriend. “Totoo 'yan, Joana. Actually, kararating ko lang dito. Nakita ko kasi si Joana na walang kasama,” depensa ni Samuel at hindi makatingin sa akin ng diretso. “Oh, I see! Ang cheap mo naman, Chloe. Wala ka bang pambili ng foods dito sa pavillon?” pangungutya ni Joana. Mayamaya pa ay dumating na si Lea at may dalang pagkain. Umupo siya sa harapan ko na puno ng pagtataka ang kan'yang mukha. Naramdaman n'ya ang tensyon sa pagitan namin ni Joana. I rolled my eyes. Sobrang naiinis na ako sa kaartehan ni Joana. Wala akong pakialam kung girlfriend s'ya ni Samuel. Kaya siguro paminsan-minsan ay hindi na bumibili si Samuel si ng lutong-ulam ni Nanay ay dahil nahihiya s'yang makita ni Joana. “Okay lang, mahirap lang naman talaga ako. Bakit ko pipilitin magpakasosyal. Saka, 'di hamak na mas masarap ang luto ni Nanay kaysa sa tinitinda rito sa pavillon,” litanya ko. Naramdaman ni Samuel na galit na ako kaya naman tumayo na siya at bitbit ang kan'yang tray. Nang lingunin ko s'ya ay malungkot ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ilang saglit lang ay inilipat niya ang atensyon kay Joana na matalim pa ring nakatingin sa akin. “Joana, tama na. Halika na at kumain na tayo. Wala namang ginagawang masama si Chloe,” nag-aalalang sambit ni Samuel. Hinawakan niya sa braso si Joana at mukhang napilitan lang itong umalis. Tumalikod silang dalawa at tuluyan na umalis. Sinundan ko sila ng tingin, lumingon si Samuel at ngumiti nang pilit. Malamig ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata para malaman niyang hindi na ako natutuwa sa inaasal ng girlfriend n'ya. “Psst! Ano'ng me'ron? Bakit gano'n makatingin sa'yo si Joana?” Nakakunot ang noo ni Lea habang isa-isang inaalis sa tray ang pagkaing nabili n'ya. “Naku, paranoid lang 'yon si Joana. Akala niya siguro may gusto ako kay Samuel.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa labis na pagkairita kay Samuel. “Wala nga ba?” tanong ni Joana na may halong pagdududa. Natawa ako nang bahagya sa kan'yang tanong. Pailing-iling akong binuksan ang baunan na pinadala ni Nanay sa akin. “Wala, noh! Bestfriend ko lang si Sam...” pagtanggi ko. ... Pagkatapos ng klase ay sabay kaming naglakad palabas ni Lea sa classroom. Kailangan ko kaagad na makauwi dahil tutulong ako kay Nanay na maghiwa at magbalat ng mga gulay na rekado sa mga lutong ulam para bukas. “Bff, hindi pala ako makasasabay sa'yo ngayon.” Nag-aalangan si Lea na kinausap ako. “Bakit?” tanong ko. “E... kasi... may date kami ni Joshua...” mahina niyang sabi. Palinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko napansin si Joshua na pumasok sa classroom. “E, nasaan na s'ya?” Huminto ako na tila naghahanap ng anino ni Joshua. “Susunduin ko lang s'ya sa court. Busy sila sa nalalapit na finals.” Sabay kami na naglakad pababa ng hagdan dahil nasa second floor ang classroom namin. Maswerte na rin si Lea kay Joshua, ang gwapo kasi nito at matangkas. Certified heartrob si Joshua sa buong campus. Kaya bilang bestfriend ni Lea ay susuportahan ko na lng s'ya. “Bukas na lang ulit, ha?” singit ni Lea. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. Humakbang si Lea sa kaliwang daanan patungo sa covered court ng campus. Samantalang ako ay tinahak ang daanan na nasa harapan ko. Seryoso akong naglalakad sa campus, malawak ang campus at nasa bandang gitna ang building ng mga MassCom student. Pangarap ko talagang maging journalist paglaki ko. Pipilitin kong makapagtapos para masuklian ko si Nanay at matulungan siya sa pagpapaaral kay Dave. Ipakikita ko kay Tita Aireen na karapatdapat ako sa apelyido ni Tatay Cardo. Nakatatak lahat sa isipan ko ang mga narinig ko mula sa bibig ni Tita Aireen. Napatda ako nang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Pakiramdam ko pa ay nasakal ako sa aking leeg. “A-Aray!” bulalas ko. Tatawa-tawang sumampa si Samuel sa likuran ko kaya muntikan kaming masubsob dahil sa bigat niya. “Ano ba, Sam!” inis kong sabi. Kumalas si Samuel sa pagkakasampa sa akin at pangisi-ngising pinisil ang magkabilang pisngi ko. “Uy, ang sungit ng bestfried ko.” Inayos ko ang sarili ko at malamig ko s'yang tiningnan. Nginiwian ko s'ya at namilog ang mga mata niya. Aalis na sana ako nang maagap n'ya akong inakbayan. Patuloy akong naglakad at sinabayan n'ya rin ako. “Sorry na, Chloe. Hindi na mauulit, promise!” Huminto kaming dalawa at nagkatitigan. Hindi ko naman matiis si Samuel dahil matalik ko s'yang kaibigan. Ginawaran ko s'ya ng matamis na ngiti. Lumawak din ang ngiti ni Samuel sa kan'yang labi. “Oo na! Pagsabihan mo lang 'yang girlfriend mo na h'wag n'ya akong inaaway. ” Humalukipkip ang magkabilang braso ko. Ngingit-ngiti akong naglakad at pasulyap-sulyap kay Sam. Tinitigan ko ang magandang n'yang ngiti. Napagtanto kong mgandang lalaki rin si Samuel. Nagmana siya kay Ninong Allan at ang mga mata n'ya ay nakuha n'ya kay Ninang Ellen. Mapalad ang mamahalin ni Samuel balang-araw lalo na't mabait si Sam. Responsable si Sam at masipag mag-aral. Isa pa may kapatid na rin siyang nasa walong taong gulang at Sabrina ang pangalan. “Himala, hindi mo ata kasabay ang pala-loves mo?” “May lakad sila ng mga kaibigan n'ya. E, sakto nakita kita.” “Mabuti naman. Paminsan-minsan ay maghiwalay naman kayo. Para kasing kulang na lang ay magpakasal na kayo,” nakangisi kong sambit. “E, ikaw. Bakit wala ata 'yong bestfriend mong si Lea?” tanong n'ya na puno ng pagtataka. Palinga-linga pa siya sa paligid at matiim akong tinitigang muli na naghihintay sa sagot ko. “Tsk, may date raw sila ng boyfriend n'ya.” “M-May boyfriend si Lea? Wow, astig! Sabagay maganda naman si Lea.” “Oo naman... maganda si Lea. Kaya nga nagustuhan s'ya ng boyfriend n'ya,” mahinahon kong sagot. Huminto kami nang makalabas sa gate. Nakita ko sina Lea at Joshua na naglalakad. Nakaakbay si Joshua kay Lea at naglalakad patungo sa sakayan ng jeep. “Bilisan natin, Sam.” Hinatak ko si Sam sa kaniyang kaliwang kamay at mabilis na naglakad. Halos kaladkarin ko na si Samuel sa pagmamadali ko. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang hatakin ako ni Samuel. “Uy, sandali! Bakit tayo nagmamadali?” tanong ni Samuel. Ngumuso ako sa direksyon nina Lea at Joshua. Napatitig si Samuel sa kinatatayuan ng dalawa at ibinalik ang tingin sa akin. “Ano'ng nginunguso-nguso mo riyan. Gusto mo ba ng kiss?” Ngumuso si Samuel at nakapikit na inilapit ang mukha sa akin. Tinulak ko siya sa mukha at napaatras siya. Natawa si Samuel sa ginawa kong 'yon. Maloko talaga ang lalaking 'to kahit kailan. “Loko ka talaga! Sundan natin sina Lea. Kasama niya si Joshua!” bulalas ko. Kumunot lalo ang noo ni Samuel nang marinig ang pangalan ni Joshua. “Joshua?” “Oo! Si Joshua! S'ya ang boyfriend ni Lea!” Hinatak ko s'yang muli sa kaniyang kamay at mabilis kaming tumakbo na dalawa. Nang marating namin ang kalsada ay nakasakay na sila ng dyip. Hindi na namin sila naabutan. Kapwa hinihingal kami ni Samuel sa pagtakbo naming dalawa. “S-Sigurado ka bang si Joshua ang boyfriend ni Lea?” hinihingal na tanong ni Samuel. Patango-tango ako habang nagtaas-baba ang paghinga ko. Humugot ako nang mamalim na hininga. “Siya nga, bakit?” tugon ko. “M-May girlfriend na 'yon si Joshua.” Bumuntong-hininga si Samuel at napasuklay ng kaniyang buhok. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig sa kan'ya. Napasuklay ako ng buhok ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? May girlfriend na si Joshua? Joshua is a handsome man, rich, anak ng isa sa mayayamang bilyonaryo sa bansa at sikat sa Campus. Ngayon at nagduda ako dahil imposibleng ligawan n'ya ang kaibigan ko— pero maganda si Lea at matalino kaya imposibleng paglaruan niya lang si Lea. “S-Sigurado ka ba, Sam? Baka naman magalit si Lea kapag sinabi ko sa kan'ya 'yan?” naninigurado kong tanong. Pagkauwi sa bahay ay nakauwi na rin si Nanay galing sa palengke. Araw-araw namamalengke si Mama at mag-isa lang siya parati. Ganyan kasipag si Nanay. Kaya naman inspirasyon ko s'ya upang pagbutihan ang pag-aaral ko. Sinalubong ko si Nanay at kinuha ang mga bitbit n'yang gulay na nakasilid sa plastik. Nilapag ko ang mga 'yon sa lamesa ng kusina. Kaaagad akong kumuha ng planggana na may lamang tubig. Isa-isa kong huhugasan ang mga gulay. Nagtitipid kami sa tubig dahil may limit bill na binigay sa amin ang may-ari. “Salamat, anak. Nasaan si Dave?” tanong ni Nanay. “Ah, nasa computer shop, 'Nay. May assignment pero saglit lang raw siya doon at uuwi kaagad.” Napansin kong may carrots, belt pepper, hotdog at supot ng spaghetti. Nakangiti akong tinitigan si Nanay. Napansin n'ya ako kaya naman napangisi siya. “B-Bakit ganyan ka makatitig, anak?” tanong ni Nanay habang isa-isa na nilalagay sa ref ang mga karne. “W-Wala, 'Nay... masaya lang ako dahil kahit papaano ay masaya tayong nagkakasama,” tugon ko. “Hmm... ikaw talaga. Sana nga parati tayong ganito. Walang problema. Nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw. Saka malaki-laki ang kikitain ko bukas. Order sa akin ang spaghetti na 'yan.” Lumapit si Nanay sa akin at kinuha ang nakabalot na spaghetti. Namangha ako dahil tama ang hinala ko. Order sa kan'ya ang spaghetti na 'to. May pa-birthday siguro sa nagtatrabaho sa factory. ... Paikot-ikot ako sa higaan ko dahil hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Lea ang nalaman ko. Imposibleng nagsisinungaling si Samuel. Kilala ko ang kaibigan ko. “Ate, ang likot mo... hindi ako makatulog sa'yo... ang ingay ng kama mo,” inaantok na sabi ni Dave. Napabangon ako at sinilip ko si Dave na ngayon ay nakadapa na at nakatakip sa magkabilang tainga ang unan n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at marahan na humiga ulit. Nakatitig ako sa kisame at pumikit nang mariin. Siguro ay saka ko na sabihin kay Lea ang totoo. Kapag may ebidensya na ako para maniwala s'ya sa akin. Ayaw kong masaktan si Lea kapag sinabi ko ang totoo. Pero sabi nga 'the truth shall prevail' kaya darating ang araw na mabubunyag ang kalokohan ng Joshua na 'yan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinaumahan... “Uy! Bakit tulala ka riyan!” gulat na tanong ni Lea sa akin. Napansin niyang nakatitig ako kay Joshua. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi ni Samuel sa akin. Binawi ko ang tingin ko kay Joshua at binuklat ang libro sa aking harapan. “W-wala... may iniisip lang ako. Si Samuel kasi may sinasabi sa akin kahapon,” sagot ko. “Nahuli kitang nakatitig sa boyfriend ko, ha? Okay lang 'yan. Ang gwapo n'ya 'di ba kaya maswerte akong girlfriend n'ya ako...” Inilapit ko ang mukha ko sa kan'ya. “S-Sinu-sino na ang nakakaalam dito sa campus na kayo na?” pabulong kong tanong. “H-Ha? Ikaw lang... sikreto lang muna. Ayaw n'yang ipaalam sa iba dahil baka masira raw nag career n'ya. Alam mo naman marami s'yang tagahanga pagdating sa basketball.” Napatitig akong muli kay Joshua na abala sa hawak n'yang cellphone habang nakangiti pa. Sino kaya ang ka-text n'ya sa cellphone. Saka bakit kailangang itago ni Joshua na sila na ni Lea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD