[Chloe's Pov]
Eight Years Later...
Nakaharap ako sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok. Walong taon na rin kaming nakatira sa bahay na ito. Nasa pangangalaga namin ang bahay at mabait ang may-ari. Maging ang mga anak niya ay mabait at matulungin.
Marami man ang nangyaring hindi maganda sa amin noon ay nakabangon kami. Heto ako nasa labing-anim na taong gulang at nasa kolehiyo na. BS in Masscom major in journalism ang kinuha kong kurso.
“Anak, tapos ka na ba riyan?” sigaw ni Nanay na nasa kusina.
May kalakihan ang bahay at may tatlong silid. Isang silid lang ang ginamit namin at nakahihiya sa may-ari. Maingat din kami sa mga kagamitan. Tulad ng panonood sa TV, binubuksan lang namin kapag manonood ng balita.
“Palabas na ako, Nay. Dave, bilisan mo riyan.” Inilapag ko ang suklay sa pinaglalagyan.
“Susunod po ako, Ate.” Tinatali ni Dave ang sintas ng kan'yang sapatos.
Sampung taong gulang na ngayon si Dave. Sa susunod na pasukan ay highschool na siya. Awa ng Diyos ay lumaking mabait at masunurin si Dave. Hindi lang 'yon, kun'di matalino pa.
Matalino pa nga sa akin ang batang 'to. Minsan nag nawi-weird-uhan na ako sa kapatid kong ito.
“Bilisan mo at iiwanan kita riyan,” sabi ko.
Lumabas ako sa kwarto na bitbit ang bag ko. Sabay kaming pumpasok ni Dave. Para masiguro kong papasok talaga s'ya sa paaralan. Mahirap na dahil minsan may mga batang napapabarkada at lumiliban sa pagpasok.
Tinungo ko ang kusina at nadatnan kong gapos na si Nanay sa pagbalot ng mga order na almusal. Ihahatid niya ang mga ito sa factory at maglilista ng order sa lutong ulam.
Mabait ang may-ari ng factory. Minsan ay na-order sila kay Nanay kapag may pakain sa mga tauhan nila. Nagpapaluto sila ng masasarap na pagkain.
Hinalikan ko sa pisngi si Nanay at napanguso siya. Matindi ang pagsisikap ni Nanay. Hindi niya kami hinayaang magutom. Kaya naman pinagbutihan ko ang pag-aaral. Nakapasa ako sa scholarship at buwan-buwan ay may nakukuha pa akong allowance.
“Mabuti naman at tapos ka na, pakilagay na ang mga 'yan anak sa basket. Nakakahiya na ma-late roon sa factory,” mahinahong utos ni Nanay.
Ngumiti ako sa kan'ya at isa-isang dinampot ang mga nakabalot na almusal at inilipat sa basket. Masarap magluto si Nanay, number two fan n'ya ako. Si Tatay kasi ang number one fan n'ya.
Napangiti ako nang lihim habang naglilipat ng mga nakabalot na pagkain. Nakakaramdam ako ng lungkot paminsan-minsan kapag naalala ko si Tatay. Ngunit masaya pa rin ako dahil matatag kami ngayon nina Nanay at Dave dahil sa pagkawala ni Tatay.
Mayamaya pa ay dumating si Dave at tumungo sa lamesa. Tinitingnan nito ang baunan nakalagay sa lamesa.
“Nay, ano pong baon ko ngayon?” nakangiting tanong ni Dave.
“Bakit hindi mo buksan at nang makita mo,” magiliw na tugon ni Nanay sa kaniya.
Binuksan ni Dave ang baunan at nakita n'yang may laman na pinatuyong adobong manok. Favorite namin ang lutong ito.
Nanlaki ang mga mata ni Dave nang makita ang ulam. Bihira lang kami mag-ulam ng masarap. Masuwerte kapag may natitira sa paninda ni Nanay. Nagtitipid kasi kami dahil kailangan namin makapag-ipon para sa mga susunod na taon.
“Ang sarap ng ulam ngayon! Mukhang kukulangin pa 'tong kanin ko Nay,” biro ni Dave.
“Alam mo, napakatakaw mo!” pinisil ko ang kananh pisngi ni Dave.
Napangiwi si Dave dahil sa ginawa ko. Nakangisi akong inilagay sa bag ko ang baunan.
“Ate, ang sakit naman. Nakararami ka na sa akin,” inis na sambit ni Dave.
“Halina kayo, naghihintay ang tricycle sa labas,” ani Nanay.
Pagkalabas namin ng bahay ay inilapag ko sa loob ng tricycle ang basket na naglalaman ng mga pagkain.
Magkasama kaming uupo ni Dave sa loob at sa labas naman si Nanay. Sumasabay lang si Nanay dahil paglabas ng kanto ay factory na. Samantala kaming dalawa ni Dave ay ihahatid ni Manong Noel sa labasan para makasakay ng dyip.
Nang marating namin ang factory ay kaagad na bumaba si Nanay. Umikot siya patungo sa pintuan ng sinasakyan namin at inabot ang basket sa kan'ya.
Nginitian kami ni Nanay na nakatitig sa amin. Masaya at walang bahid ng lungkot. Maging ang mga mata niya ay nakangiti rin.
“Mauuna na ako mga anak, ha. Mag-iingat at pagbutihan ang pag-aaral n'yo, Dave, Chloe,” ani Nanay.
Nakangiti kaming dalawa ni Dave at magkasabay na kumaway sa kan'ya.
“Mag-iingat ka rin, 'Nay,” sabi ko.
“Ba-bye, Nanay!” magiliw na sambit ni Dave.
Pagkaalis ni Nanay ay tinungo niya kaagad ang gate ng factory. Umalis na rin ang sinasakyan naming tricycle. Pagdating sa highway ay ibinaba na kami ni Mang Noel.
“Mang Noel, bukas ulit, ha?” sabi ko nang nakangiti.
“Sige, bukas ulit mga bata. Mag-iingat kayo,” tigon ni Mang Noel.
“Ingat po, Mang Noel,” singit ni Dave.
Nakangiting umalis si Mang Noel at kami naman ni Dave ay sumakay na sa dyip. Natigilan ako noong narinig kong tinawag ako ni Samuel.
“Chloe!” Tumakbo si Samuel at mabilis na umakyat sa loob ng dyip.
Nakangiti si Samuel sabay appear kay Dave. Magkasundo silang dalawa dahil palabiro si Samuel. Kahit lumipat kami ng matitirhan ay madalas kami magkasama noon sa paraalan.
Ngayon ay third year college na si Samuel. Nag-aaral siya ng BS in Criminology. Pangarap niya talaga maging pulis. Pangako niya sa akin na huhulihin niya ang may sala sa pagkamatay ni Tatay.
Umupo si Samuel sa tabi ko at pangiti-ngiti. Binata na si Samuel at nasa nineteen years old na. Lumaking magandang lalaki si Samuel at masasabi kong maraming babaeng aali-aligid sa kan'ya. Matangkad at moreno kaya naman malakas ang dating n'ya sa mga kababaihan.
Minsan nga ay nakikita ko ang sarili na nakangiti kapag kausap si Samuel. Kababata ko siya at marami kaming magagandang memories. Isa pa kinakapatid ko siya.
“Ano'ng ngini-ngiti mo?” tatawa-tawang tanong ko.
“W-Wala... nakita lang kasi kita. Kaya naman maganda na ang araw ko,” biro niya.
Tinapik ko siya sa hita niya kaya natawa nang bahagya si Samuel. Nakahihiya kasing marinig ng mga tao sa loob ng dyip ang pinagsasabi niya.
“Ang sakit, ha? Ang hilig mo manakit.” Ngumisi siya habang kagat ang pang-ibabang labi.
Maloko rin kasi ang lalaking ito. Biruin mo ay nagdala ng girlfriend no'ng nineteen birthday niya. Galit na galit si Ninang Ellen dahil hindi raw marunong gumalang ang girlfriend niya.
“Ang kulit mo kasi. Nakahihiyang marinig tayo ng mga tao,” naiinis kong sabi.
Napansin kong kakaiba ang titig sa amin ng dalawang matandang babae sa harapan namin. Yumuko ako para iwasan ang mga mapangutyang tingin. Marahil ay marumi ang iniisip nila dahil sa sinabi ni Samuel.
Natigilan ako nang bumulong si Samuel sa kaliwang tainga ko.
“Tignan mo 'yong sa harapan. Ang sama ng tingin sa atin,” mahina niyang bulong.
Itinaas ko ang mukha ko at napansin kong nagbulungan din ang dalawang matandang babae sa harapan namin. Kaya naman kinurot ko sa tagiliran niya si Samuel upang lumayo sa pagkakadikit sa akin. Hindi ko alam pero naiilang ako tuwing dumidikit siya sa 'kin.
“Ang bata-bata pa pero ang lalandi na,” mapangutya na sabi ng nakaitim na matanda.
Namilog ang mga mata ko sa narinig niya kung kaya naman ay iniwas ko ang mga mata ko sa kanila. Pilit kong hindi pinapakinggan ang pag-uusap nila ngunit sinasadya ata nilang marinig namin ang pinag-uusapan nila.
“Kaya nga. Makalawa, buntis na 'yan. Mahabaging langit! Mga kabataan ngayon,” dagdag pa ng isang nakaputing matanda.
“A-Ano po? P'wede po bang pakiulit?” mahinahon kong tanong.
Napapikit ako nang mariin par mahimasmasan ngunit lalong nagpantig ang tainga ko sa narinig.
“Sabi ko, Hija. Ang lalandi niyo. Ang babata niyo pa. Baka bukas makalawa ay buntis ka na,” mariin na sabi ng matandang nakaitim.
Labis akong nasaktan sa binitawang salita ng matandang nakaitim. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Samuela sa braso ko. Tiningnan ko siya at umiling-iling siya. Sinasabi niyang huwag kong ituloy ang pagsasalita.
Hinawakan din ako ni Dave sa kanang braso ko at nilingon ko siya. Nag-aalala ang mukha nito. Napabuntong-hininga ako para mawala ang galit sa dibdib ko.
“Pasensya na po, pero hindi niya po ako biyfriend. Nagagandahan lang po kasi ako sa kan'ya, mga lola,” mapang-asar na sabi ni Samuel.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naloko na. Sira talaga ang lalaking 'to.
“Hoy, Hijo. Huwag mo kaming tawagang lola. Bata pa kami at wala pang apo. Matututo kanh gumalang,” sagot ng matandang nakaputi.
“Samuel, hayaan mo na sila.” Hinawakan ko ang braso ni Samuel upang pigilan siya.
Ngunit bigo akong magawa iyon. Itinuloy niya pa rin ang pagsasalita.
“Pasensya na po mga lola. Pero hindi po malamdi ang kaibigan ko. Ni wala pa nga naging boyfriend 'yan. 'Di ba, Chloe?” singit pa ni Samuel.
Sa inis ko ay inirapan ko si Samuel. Kailangan ba niyang ipaglandakan na wala pa akong naging boyfriend. Saka tama lang 'yon dahil bata pa kami. Pero hindi ibig sabihin no'n ay walang nanliligaw sa akin.
“Mahabaging langit, mga lola. Atupagin niyo na lang ho ang mga apo niyo at hindi buhay ng ibang tao. Napaka-judgemental niyo ho, ano po mga lola,” dagdag pa ni Samuel.
Namilog ang mga mata namin ni Dave sa sinabi ni Samuel. Hindi ko akalain na sasabihin niya 'yon sa matatanda sa harapan namin. Napansin kong magulat din sila sa mga binitawang salita ni Samuel.
“Aba! Aba! Ikaw Hijo, pinalaki kang bastos ng mga magulang mo!” galit na sabi ng matandang nakaputi.
“Makababa na nga, halika na. Tutal malapit na tayo.” Hinila ng matandang nakaitim ang katabi niya.
Bakas sa mukha ang pagkairita nila sa mga sinabi ni Samuel. Kahit ako ay kanina pa naiinis ngunit hindi pa ako nawawalan ng respeto.
“Ingat po kayo at baka sumakit ang mga tuhod niyo,” pang-aasar pa ulit ni Samuel.
Natawa kami nang bahagya ni Dave sa mga patutsada ni Samuel. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at mayabang na ngumiti.
“Mga bitter ang lola. Siguro walang nagsabi sa kanila na maganda sila noong kabataan nila,” biro n'ya.
Lalo akong natawa sa mga sinabi ni Samuel. Tunay na kaibigan ko talaga s'ya. Lagi niya akong pinagtatanggol kahit noon pa man. Mayamaya pa ay naunang bumaba si Dave sa dyip. Iisang university lang ang pinapasukan namin ni Samuel. Pareho kaming scholar.
Pagkababa namin sa dyip ay inalalayan ako ni Samuel. Masaya kaming naglalakad patungo sa gate ng university.
“Hi, Samuel! Magkasama na naman kayo?” tanong ni Joana. Girlfriend ni Samuel. Siya 'yong dinala ni Samuel noong birthday niya nakaraang buwan.
“Kanina ka pa ba naghihintay? Traffic kasi.” Inakbayan niya si Joana sa balikat nito. Matamis na ngiti ang iginawad ni Joana kay Samuel.
Napangiwi ako. Kung makadikit kasi si Joana kay Samuel ay parang ayaw humiwalay. Kulang na lang ay asawahin niya ang kababata ko. Nalasing pa no'ng birthday ni Samuel kaya naman galit na galit si Ninang Ellen.
“Wala namang masama kung magkakasabay kami ni Samuel. Magkaibigan kami.” Nagpamulsa ako sa suot kong pantalon.
Nang tingnan ko si Joana ay matalim ang tingin nito at tumaas ang isang kilay. Aba, tinatarayan ako. Akala ata ng babaeng 'to ay aagawin ko si Samuel sa kan'ya.
“Hmp! Halika na, Samuel! Ihatid mo ako sa building namin,” inis na sabi ni Joana.
Tinapunan muna ako ng tingin ni Samuel at alangan na ngumiti. Alam niya kasing ayaw ko rin kay Joana. Hinatak na siya ni Joana.
“S-sandali, teka... Chloe, mauna na kami, kita tayo mamaya!” pahabol na sigaw ni Samuel.
At tuluyan na nga silang nakapasok sa loob ng gate. Panira talaga ng araw si Joana. Wala naman akong gusto sa kababata ko. Pero parati niya akong pinupuna kapag magkasama kami ni Samuel.
Hello, ang bata-bata ko pa para sa gan'yang mga bagay. Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa aking pangalan.
“Chloe! Hintay!” sigaw ni Lea.
Ang unang naging kaibigan ko rito sa University. Mabait, kalog at palakaibigan 'tong si Lea. Hindi rin siya mahilig sa mga boylet-boylet na 'yan. Kaya magkasundo kaming dalawa.
Lumingon ako at nginitian siya nang malawak. Kumaway ako sa kaniya bilang pagbati. Tumakbo si Lea palapit sa akin. Tinapik niya ako sa aking balikat habang s'ya ay hinihingal.
“Hay, salamat! May tsismis ako sa'yo, girl!” Tumuwi nang pagtayo si Lea at humugot nang malalim na hininga.
“A-Ano 'yon?” Humakbang ako para maglakad na kami papasok sa gate.
“K-Kilala mo ba 'yong basketball varsity natin?” hinihingal niyang tanong.
Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Ano'ng me'ron at bakit niya nabanggit sa akin ang kaklase naming varsity.
“B-Bakit? Ano'ng me'ron kay Joshua?” Labis akong nagtaka.
Inakbayan ako ni Lea sa balikat at pinagdikit niya ang aming katawan nang maigi.
“K-Kami na!” matigas niyanh bulong.
Bakas sa boses niya ang excitement at pagkakilig. Tiningnan ko siya nang nakaawang ang labi ko. Nagkasalubong ang aking mga kilay. Puno ng katanungan kung paano naging sila.
Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Lea. Pakiramdam ko ay nagpapantasya ito. Naalala ko bigla na crush niya pala si Joshua.
“S-Sigurado ka ba? Alam ba n'yang kayo?” tatawa-tawang tanong ko.
Pinisil ni Lea ang magkabilang pisngi ko sa labis na inis. Pagkaraan ay natawa rin ito sa aking sinabi.
“Ano ka ba? Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako nagbibiro. Isa pa, alam niyang kami,” naiinis niyang sabi.
Nakangisi ako habang naglalakad. Hindi ako makapaniwala. Ni wala siyang sinasabi sa akin na nililigawan sa kan'ya si Joshua. Ang lalaking 'yon? E, lapitin din ng chiks 'yon.
“T-Teka ipaliwanag mo nga lahat sa akin. Paano naging kayo, aber? Ni wala kang binabanggit sa akin tungkol sa Joshua na 'yan. Baka mamaya lokohin ka lang niyan, ha?” banta ko.
Ngumuso si Lea na parang nalungkot sa mga sinabi ko.
“Okay, mamaya ay ikwento mo sa akin ang lahat. Marunong ka pala magtago ng sikreto ha.”
Ngumiti si Lea sa akin nang malawak. Napakagat pa ito sa ibabang labi niya. Niyakap niya ang kanang braso ko at hinatak ako papasok sa loob ng gate ng University.