[Chloe's POV] MATAPOS ako gamutin ni Yaya Amy ay umalis na sila ni Martha at ang iba pang kasama nila. Binilin ni Yaya Amy na padadalhan niya raw ako ulit ng makakain ko. Tumanggi ako ngunit pinagpilitan niya pa rin. Mayamaya ay kumatok ang isang katulong at pumasok. Inilapag niya ang pagkain sa lamesa at hindi ko na siya pinansin pa. “Kumain na ho kayo, Ma'am Chloe. Aalis na po ako,” sabi nito. Nang marinig kong sumara ang pinto ay muling tumahimik ang buong silid. Hindi ako nagugutom kahit naaamoy ko ang masarap na pagkain. Wala akong gana na kumain. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang puting kurtina at sumilip. Wala naman akong makitang iba sa labas kun'di ang malawak na lupain ni Brix at mga tauhan niyang nagkalat. Bantay sarado ang buong paligid ng mansyon. Dahil wala

