[Third Person's POV] NAPABALIKWAS sa pagbangon si Celia dahil sa masamang panaginip tungkol kay Chloe. Tuluyan na rin siyang napaiyak sa labis na pag-aalala at takot. Sapo niya ang kaniyang dibdib habang humahagulgol. “Chloe... anak ko... n-nasaan ka na ba?” pagtangis na sambit nito. Nagising si Dave dahil sa narinig niyang umiiyak ang kaniyang ina. Magkasama sila sa iisang kwarto na natutulog. Nag-aalala na rin si Dave sa kalusugan ni Celia dahil tumaas ang presyon nito sa labis na stress. Umupo siya sa tabi ng kaniyang ina na umiiyak. Awang-awa siya sa ina kung kaya't niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang buhok para patahanin at pagaanin ang loob nito. “Nanay... sshhh... tahan na. Mahahanap din natin si Ate. Ipagdasal natin ang kaligtasan ni Ate Chloe,” naiiyak na boses n

