[Third Person's POV] NANATILING nakaupo nang magkaharap sina Celia at Samuel sa upuan sa sala. Samantala, si Dave ay nag-asikaso ng almusal na makakain nilang tatlo. Naninibago sila sa bahay dahil wala si Chloe na siyang madalas tumulong kay Celia. “Mag-almusal ka muna, Kuya Sam...” pag-aaya ni Dave. Inilapag ni Dave ang sandwich na may palaman na peanut butter. Dumampot si Samuel ng isang pares at saka ito kinagatan. Nanatiling nakatulala sa kawalan si Celia dahil sa labis na pag-iisip kay Chloe. “Nanay, kumain ka muna.” Binigay ni Dave ang isang pares ng sandwich kay Celia. “S-Salamat, anak. Pasensya na at hindi ako makapag-isip nang maayos,” naguguluhang sabi ni Celia at tinitigan ang tinapay. “Kumain na kaya ang ate mo ngayon? F-Favorite niya pa naman itong palaman na ito,” ani

