[Chloe's Pov] HUMAKBANG kami palapit sa kaibigan ni Brix na nagpa-party. Laki ng problema ng lalaking 'to. Pinakilala pa niya na ako raw si Nicole Anderson at asawa niya raw ako. Nag-aadik ba ang lalaking 'to? Tanong ko sa aking isipan. Hindi ko talaga lubos maisipan ang mga ginagawa ni Brix sa ngayon. “Hi, King! Happy Birthday, Dude!” magiliw na bati ni Brix sa kaibigan. Nag-shake hands silang dalawa at mukhang malapit sila sa isa't isa. Lalo akong naiintriga sa katauhan ni Brix lalong-lalo na sa pamilya niya. Ano'ng klaseng magulang me'ron ba si Brix at ganito siya. “Hey, Brix! Good to see you here! Buong akala ko ay hindi ka na makararating?” tatawa-tawang sabi ni King. Wow, what a good name. Bagay naman sa kaniya dahil may maputi at makinis siyang balat. Binalingan ako ng tingin

