[Chloe's POV] TAHIMIK kaming dalawa sa loob ng magarang sasakyan ni Brix. Tahimik lang ito at nakamasid sa akin nang seryoso. Habang ako ay hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil naiilang ako sa pasulyap-sulyap ni Brix. Pilit kong winaksi ang nararamdaman ko at tumingin na lamang ako sa bintana ng kotse at pinapanood ang mga kasabay naming sasakyan. Pati mga motorista napapatitig sa lemousine sa tuwing nakahinto kami sa traffic. Marahil ay katulad ko namamangha rin sila sa mamahaling sasakyan na 'to. Kung alam lang nila ang ugali ng may-ari nito. Isang mayabang, arogante at demonyo ang pag-uugali. Humugot ako nang malalim na hangin at pinakawalan ko. Saandali ay hinarap ko si Brix na magkasaubong ang kilay ko. “Bakit mo ba 'to ginagawa?” naiinis kong tanong. Malamig niya lang akong tin

