"Dito na lang ako maghintay," sabi ni Chace sa kanya. Sinulyapan lang niya ang lalake na naupo sa sofa na naroon. "Ano bang kailangan mo sa akin?" Iritang tanong niya. "About Brianna," tugon nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga at napahawak pa noo niya na biglang nanakit, puro sakit ng ulo kasi ang mga nakakaharap niya ngayong araw. Nais na niyang matapos ang lahat ngayong araw. "Pakisabi kay Nhey hintayin ako may aasikasuhin lang ako saglit," utos niya sa secretary niya. "Sige po Doc," tugon nito at tumayo na para puntahan si Nhey sa loob ng opisina niya. Uunahin niyang harapin si Chace para matapos na ang paghahabol nito kay Brianna. "Sa rooftop tayo," sabi niya kay Chace na agad namang tumayo at sumunod sa kanya sa paglalakad. Much better na sa rooftop na lang sila m

