Habang nag-aalmusal napag-usapan na nila ni Brianna ang tungkol sa kasal nila na gaganapin na bukas. Naayos na ng abogado niya ang kasal nila ni Brianna sa isang judge. Sa ngayon sa judge na muna sila magpapakasal ni Brianna, para na agad na silang maikasal at hindi na tumagal pa dahil sa paghahanda sa engrandeng kasal. Nais na niyang maging ganap na Tragora na si Brianna. Para sa kanya na ang lahat ng karapatan para sa dalaga. Kanina sa biglang pagdating Nhey naramdaman niyang nagselos si Brianna. Cute at medyo kinilig siya syempre dahil nagseselos ito sa ibang babae. Ibig sabihin mahal talaga siya ni Brianna. Katulad ng pagmamahal niya rito. Hindi man niya maamin sa sarili niya na nagseselos siya kay Chace pero alam niyang nagseselos siya. Dahil hindi niya gustong may ibang lalaking lu

