"Fiancee?" Kunot noong tanong sa kanya ng babae. Ngumiti siya at tumango rito. "Fiancee," ulit pa nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng kilay nito habang sinusuri ang suot niyang puting t-shirt. "Last week lang kaming nagkita ni Joaquin, wala siyang binabanggit about you," sabi pa nito matapos siyang suriin at bumalik sa mukha niya ang mga mata nito. Hindi siya kumibo. Hindi niya alam ang sasabihin, lalo na't alam naman niya kung bakit walang nabanggit si Joaquim about sa kanya. "You live here?" Tanong ng babae sa kanya. Tumango siya. "It's obvious. I know na t-shirt ni Joaquin ang suot mo," sabi nito at nagtaas ng kilay sa kanya. Ngiti ang naging tugon niya. "But, still wala akong idea about you," taas kilay na sabi nito at pinagsaliko

