Pag gising niya tulog pa si Joaquin sa tabi niya kaya naman malaya niya itong tinitigan saka napangiti. Buong gabi yata silang walang ginawa ni Joaquin kundi ang magtalik sa ibat-ibang posisyon. Para na nga silang nag honeymoon kahit hindi pa sila kinakasal. Masaya siya dahil sa wakas na amin na niya ang damdamin niya para kay Joaquin at ganoon rin si Joaquin sa kanya, naamin na rin nito ma mahal siya nito. Hindi nga siya makapaniwala na posible nga palang mahalin din siya ng lalaking matagal na niyang pinapangarap at minamahal. "I love you," bulong niya kay Joaquin bago bumangon at maingat na bumaba sa kama. Naramdaman niya ang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita, senyales na nasobrahan sila ni Joaquin kagabi sa pagtatalik. Hinayaan na muna niyang makatulog pa si Joaquin dahil ala

