"Sinabi mo na mahal mo ko since 15 years old ka palang. Is that true Brianna?" Joaquin asked her. Ngumiti siya at tumango-tango sa binata. Wala ng rason para hindi aminin kay Joaquin ang totoong damdamin niya para rito. Inamin na rin naman kasi nito na mahal siya nito at naniniwala na mahal siya nito. Kaya nga nais siyang pakasalan ng nito. "Yes, Joaquin mula ng makita kita sa Donya Feliza Hospital hindi na kita nakalimutan pa. Kaya nga nurse ang kursong kinuha ko sa San Miguel University, para sana pagdating ng araw makasama kita sa trabaho sa ospital," litanya niya rito. Totoo iyon, nang ma ospital siya sa Donya Feliza Hospital si Joaquin ang naging doktor niya, at hindi na niya nakalimutan ang gwapong mukha nito. Totoo rin na ito ang inspirasyon niya kung bakit nurse ang kurso niya, d

