"What?!" Bulalas na tanong sa kanya ni Chace nang sabihin sa kaibigan ang balak niyang pagpapakasal kay Joaquin. Hindi na siya pinayagan ni Joaquin na makipagkita kay Chace sa labas para na rin sa kaligtasan nila ni Chace. Buti na lang at pinayagan naman ni Joaquin na magtungo si Chace sa bahay nito para makapag-usap sila ng kaibigan. "Bakit kailangan umabot sa kasalan?" Tanong pa ni Chace sa kanya. Nasa may pool area sila ni Chace, doon niya niyaya ang binata para mag-usap. Wala pa si Joaquin at nagtungo sa bahay ng mga magulang nito. Marahil para sabihin nito ang tungkol sa kanilang balak na pagpapakasal. Nasa di kalayuan naman ang dalawang bodyguard niya. Ewan ba niya kung bakit kahit nasa bahay na lang siya at nariyan pa rin ang mga bodyguard niya. Hindi naman siya tatakas. Wala si

