"Bakit naman kasi pinatulan mo pa si Chace?!" May galit na tanong sa kanya ni Brianna habang ginagamot nito ang pasa niya sa may tabi ng labi. Hindi naman pumutok ng husto ang labi niya katulad ni Chace, pero ganoon pa man tinamaan pa rin siya sa suntok ni Chace bagay na hindi matanggap ng pride niya. "What do you want me to do? Hayaan ang maling akala niya sa akin na balak lang din kitang samantalahin ah Brianna?" Balik tanong niya sa dalaga. "Alam kong hindi mo gagawin sa akin yon. I know naman dahil kay Scarlett kung bakit mo ko tinutulungan," tugon nito sa kanya sabay diin sa hawak nitong bulak na pinupunas sa gilid ng labi niyang may sugat. "Aray," reklamo niya. Napadiin kasi ang pagpunas ni Brianna. Nakita niyang humugot ito ng malalim na paghinga at inikot pa ang mga mata. "Pero

