Matiyaga siyang naghintay kay Brianna sa sala para magtungo sila nito sa bahay ng mga magulang niya. Matapos ang duty niya kanina sa ospital tinawagan niya ang kanyang Mama para sabihin rito na may nais siyang ipakilala sa mga ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ipapakilala siyang babae sa kanyang mga magulang. Actually si Brianna pa lang di naman ang babaing dinala niya sa bahay niya. Lahat ng babaing nakakalaro niya ay sa condo niya dinadala para makalaro. Maraming bagay siyang ginagawa ngayon sa kauna-unahang pagkakataon at involve si Brianna. "Manang paki katok nga po si Brianna sa guest room," utos niya sa kasambahay. Naiinip na kasi siya sa paghihintay sa dalaga. "Sige po Sir," tugon naman nito at agad na ring umakyat ng hagdan. Nagbuga siya ng hangin at iniling ang ulo

