"Ano pala ang napag-usapan niyo ni Mama? Mukhang magkasundo kayo ah?" Tanong sa kanya nu Joaquin habang nasa biyahe pauwi ng bahay nito. "Tungkol sa iyo," tugon niya at nilingon ang binata na nasa kalsada ang atensyon. Late na nga silang nakapagpaalam, dahil sa dami ng kwento ng Mama ni Joaquin. Wala siyang mapipintas sa magandang ina nu Joaquin. Napakabait kasi nito at talaga namang napakaganda pa rin kahit may edad na. At tama si Joaquin mukhang magkakasundo sila ng Mama nito. "Ano naman ang nga kinuwento ni Mama sa iyo?" Joaquin asked her at sinulyapan pa siya nito ng mabilis. "Sinasabi lang niya na mabait ka daw at ako palang ang pinakilala mong girlfriend sa kanila ng Papa mo, then now pakakasalan mo na rin pala," kwento niya sa binata. Iyon naman talaga ang sinabi ni Mrs. Tragor

