Audrey
Habang palabas ng pinto ay
narinig nya na tinawag sya ni Nathan.
Audrey! lumingon naman sya dito at
hinarap, napansin nyang hindi na
ito nakasuot ng shades. Lumapit ito sa
sa kanya , sir wag kayong lapit.
hanggang sa hindi nya inaasahan na
napasandal na sya sa pader. S..Sir ,
sambit nya dito at napatingin sya sa labi
ng binata ,nakatitig lamang ito sa kanya.
Nang magtama kanilang mga mata ay
alam nyang hahalikan sya nito kaya
pumikit na lang sya dahil sa
nangangatog na mga tuhod. "Bahala na
sabi ng kanyang isipan" naramdman
nyang dumapo ang labi ng binata sa labi
nya . Isang banayad na halik ang
iginawad ng binata sa labi nya haggang
sa hindi nya namamalayan ay natugunan
nya ang halik nito. Hindi sya marunong
humalik pero dahil sa good kisser ang
binata ay natutugunan nya ang mga
banayad na halik nito. Bumaba ang halik
sa leeg ng dalaga , Audrey I miss you
baby.. Narinig nya ang sinabi ni Nathan
at kinilig sya dun. Masaya ang puso
nya sa narinig dahil ang lalaking iniibig
ay namimiss din sya. Bumalik ng mga
labi ng binata sa labi nya at ipilit na ipina
pasok ang dila nito sa bibig nya,
naramdaman nya ang dila nito sa loob
ng bibig nya. Hindi nya inaasahan na
mapapalaban sya ng laplapan lalo pa
at hindi sya marunong.
Naputol ang senaryong yun biglang
nag ring ang cellphone ni Nathaniel sa
bulsa. Nagulat silang pareho at natigil
ang ginagawa, hindi alam ni Audrey
kung anong gagawin habang nahihiyang
nakatungo sa binata. Dali-dali syang nag
paalam dito at lumabas ng opisina
upang makalayo sa binata. Hays Audrey
ano bang ginagawa mo bakit
napakarupok mo ngayon sambit nya sa
sarili habang sakay ng VIP elivator.
Sinagot ni Nathan ang tawag
upang alamin ang kelangan ng nasa
kabilang linya. Hello Nate kamusta ang
bago mong sekretarya? Nagustuhan mo
ba or gusto mo sya? pang aasar ng
kaibigang tumawag habang tumatawa.
Lance paano mo nalamaman ang about
sa amin ni Audrey. Nagtatakang tanong
niya dito.Wag mo ng alamin, ang
importante nagkita na kayo ulit. Isa lang
ang masasabi ko huwag mo na syang
hayaan mawala ulit sayo , at isa pa
malakas ang charm ng babaeng yan
unang kita ko pa lang sa kanya humanga
na ako, napaka sexy at napaganda nya
kaya umayos ka bihira lang sa mga
playboy na gaya natin ang maka
makatagpo ng ganyang babae. Kaya
nga nung mainterview ko sya at nalaman
ang pangalan nya ay nag direct ako sa
main office para humingi ng info about
sa kanya, akala ko kapangalan at ka
apilyedo nya pero nung mag match yung
info sa main office ay tatawagan sana
kita kahapon para sabihin sayo at bigla
ka naman napatawag, mahabang
paliwanag sa kanya ng kaibigan.