Pagkabukas ng elivator ay agad
syang humakbang palabas. Hindi na nya
pinansin ang dalawang babaeng
pumasok sa nilabasan nyang elivator.
Ang nasa isip lang sa mga oras na yun
ay makauwi at makapag isip.
Mag aala-una na ng tanghali ng
makarating sya sa bahay nila. Ate
kamusta ang interview sa pogi natin
boss salubong na bati ng bunsong
kapatid na si Yvonne. Bukas mag start
na ako, san si pala si mama? tanong nya
sa kapatid. Naliligo si mama ,
pupunta kase sya sa skul at makikiusap
para makakuha kami ni kuya ng exams
sa katapusan. Bigla syang naawa sa
mga kapatid at magulang, dati kase
nung nag aaral sya hindi nya naranasan
ang ganun makiusap. Luwag pa kase
sila noon sa pera kung hindi lang si
papa natakbuhan ng pera ng mga
scammer na yun siguro hindi
mararanasan ng mga kapatid nya ang
ganto. Di naman namin masisi papa,
naengganyo lang sya sa magandang
benefits na offer ng mga scammer.
Anak kanina ka pa ba? Tanong ng
mama nya sa kanya na kalabas lang
banyo. Kararating ko lang po , mama
magkano pa po ba balance nina Darren
at Yvonne sa skul? "malungkot na
tanong nya sa Ina , bigla nyang naalala
yung checke. Hinanap nya sa bag ito
at biglang umaliwas ang mukha ng
makita ang hinahanap nya. Ang
alam ko anak nasa 14k na lang ang
balance ng dalawa.Tig 14k po ba silang
pareho mama? Hindi ate ah tag 7k na
lang ang balance namin ni kuya Darren
kaya 14k. Mama may pera po ako dito
sya na lang po munang ibayad natin.
Paano ka magkakapera ate eh
dalawang buwan ka naman walang
matinong trabaho ,pang aasar ng kapatid
na si Yvonne. Yvonne wag mong asarin
ang ate mo saway na wika ng mama
nya . Tumingin sya kay Yvonne at
tinawag ito upang ipakita ang check.
Agad naman lumapit ito sa kanya at
ipinakita ang check dito. Namangha ang
kapatid sa nakita. Mama "sigaw ni
Yvonne Ina", si ate may 50k. Nagulat ang
sinabi ng anak at lumingon sa kanya.
Nagtatanong ang mga mata ng Ina kung
totoo ang sinabi ng kapatid.
Sinabi nya mama at kapatid ang
magiging trabaho nya at kung bakit sya
may ganun kalaking halaga. Advanced
salary ko daw po yan mama. Totoo
ba ate? secretary ka at personal
assistant nya? Hindi makapaniwalang
paulit ulit na tanong ng kapatid. Galanti
pala boss mo ate,kapag nanligaw ba sya
sayo ate sagutin mo agad. Hindi
mangyayaring manliligaw dyan ang boss
nya "sabat ng kapatid na si Darren na
kararating lang galing sa skul". Langit
at lupa pagitan nila oh. Ano ka ba Kuya
napa kj mo alam mo ba. Tama na
yan saway ng mama nila. Kuya may
pang bayad ba tayo sa skul pasalamat
ka kay ate. Totoo ? oo totoo kaya
mag sorry ka kay ate. Niyakap ni Darren
ang ate nya at hinalik-halikan sa pisngi
ate sa tingin ko yan boss mo
maghahabol sayo sa seksi at ganda
mong yan ewan ko lang kung di sya
maglaway sayo.Tama ka na nga sa
kahahalik mo sakin eh ,puro laway na
ang mukha ko sa kahahalik mo . Hahaha
si kuya, ang balimbing talaga nito kanina
lang inaaway mo si ate Audrey eh ,oi
Yvonne di ko inaaway si ate kanina ah
baka guni-guni mo lang yun,
magkakasabay na nagtawanan ang
tatlong magkakapatid.