Gulat na nagkatiningan ang dalawang
magpinsang sina Hailey at Nicole ng
makita kung sino ang nasa loob ng VIP
elivator ng ito ay bumukas. Kilala-kilala
ni Nicole ang dalagang biglang lumabas,
babatiin nya sana ito ngunit para lang
silang hangin na dinaanan nito.
Ate Nicole diba si Miss Audrey yun?
Bakit sya nandito at sa building at VIP
elivator sumakay. Ibig bang sabihin
taga Batangas lang sya? magkakasunod
na tanong ni Hailey sa kanyang pinsan.
Mas mabuti pa tanungin na natin si
Kuya Nate ng nakatiyak tayo. Ang
tangkad nya pala ate ,tapos ang seksi
pa at ang kinis kinis nya tuloy tuloy
napapuri ni Hailey sa dalaga habang
nasa loob sila ng elivator.
Kuya Nathan bati ni Hailey sa kapatid
habang papasok ng pinto ng opisina.
Lumapit ang kapatid upang yakapan at
hagkan sya sa pingi. Nathan kamusta
ka? Kararating- rating mo lang galing
business trips hindi ka man lang
magpahinga kahit isang linggo lang.
wika ni Nicole sa pinsan. I'm fine, dont
worry about me wala naman masyadong
gagawin this week dahil kagabi tinapos
ko na sa penthouse ko yung mga dapat
pirmahan na mga documents na
kailangan ng mga tao ko dun.
Katatawag ko lang kay Adrian para
ipaalam na sya muna bahala bahala dun.
Bakit pala kayo naparitong dalawa?
Gusto ka lang namin i-congratulate
dahil nabalitaan namin na ikaw ang
nakakuha ng contract na pinag
aagawan ng lahat ng contractors sa
bansa. Alam mo bang proud sa iyo ang
mommy at daddy mo, wika ni Nicole sa
pinsan. Congrats daw sa new
achievements mo Kuya pinapasabi yan
ni mom and dad.
Hailey kung mamasyal kayo may
ipag uutos sana ako sayo. Isinulat nya
sa maliit na papel ang ipinapabili at
iniabot sa kapatid. Para kanino ito kuya?
Sa secretary at personal assistant ko.
Nagtaka ang dalawang babae sa narinig,
akala ko ba ayaw mo ng secretary Kuya
nathan? wika ni Nicole, oo nga kuya
tapos may P.A kana rin . Napatingin
naman si Hailey sa puting papel
sa table ng kanyang kuya kaya agad na
kinuha , resume ito kuya ah Audrey Dizon
Cruz, BS accountancy Graduate, Summa
Cum Laude. 25 years old . Totoo ba
ito kuya? Yes at bukas na bukas na
sya mag sisimula as my secretary and
personal assistant kaya pakiusap ko
sayo na pakibili nyan para sa kanya para
may magamit sya sa trabaho.
Masaya si Nicole para sa pinsan
dahil kase Kay Audrey malaki pinagbago
ng pinsan. Sa halip na magmukmuk ito
at magpakalango sa alak nung panahon
na nawala ang babaeng iniibig ay mas
nagpursige pa ito sa trabaho . Natatawa
na nga lang sya sa tuwing maalala na
natotorpe ang pinsan pag dating kay
Audrey.
Masusunod kuya basta para sayo at
Kay ate Audrey bibilhin ko ito at yung
pinaka latest ang bibilhin ko ng
magustuhan nya ikaw este yung
pinabibili mo pala Kuya, pag tatama
nito.