MILLICENT'S POV Lahat naman siguro ay kinamumuhiang umulit uli sa umpisa, tipong nasimulan mo na ang research ninyo ngunit nawala ang kopya mo kaya kinakailangan mong umulit muli sa umpisa lalo na kung may araw kang kailangan habulin pero ito ako, sinisimulan ulit ang bagay na tinapos ko na dahil hindi iyon ang wakas na dapat ay nabuo. Huminga ako ng malalim bago marahas na napasandal sa kinauupuan ko habang tinitingala ang malalaking pader na pumapaligid sa dome ng SeeRange. "Nandito na tayo." Usal ko, sa kabilang banda ay pinipigilan ko na ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano dahil napakaraming alaala na naman ang bumabaha sa isipan ko. "Interesado kayang bumuo ng time machine si Professor Ronaldo?" Wala sa hulog na sabi ko kaya napayuko na lang ako. "Are you okay?" Tanong sa ak

