MILLICENT'S POV "Human anatomy, cell structure, photosynthesis... anong gusto mong basahin sa mga ito?" Tanong ko kay Eilia na tahimik na sinisimsim ang mainit na tsokolate niya. "Alkina." Pagtawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon dahil hindi pa siya sanay ngunit kaming dalawa lang ang nasa kwartong ito kaya bakit hindi siya lilingon. "Alkina!" "Ako?" Nalilitong ani niya bago lumingon sa akin. "Wala, ayaw kong magbasa ng libro ngayon." "Sigurado ka? Ang dami pa naman nitong dinalang libro ni Doctor Reyes." Napangiwi na lang ako habang pinagmamasdan ang sangkaterbang libro na nasa harapan ko. Iniwan niya ang mga ito para may libangan daw kami na normal naman para sa akin ngunit ang hindi normal ay pati gadgets ay iniwanan nila kami samantalang noon ay napakahigpit nila sa amin pa

